25.1 C
Manila
Biyernes, Hulyo 24, 2026

SONA: Bakit meron nito, mga ‘trivia,’ kasaysayan, at estado ngayon

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING haharap sa publiko para sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Hulyo 27, 2026.

Itinatakda sa Saligang Batas ang responsibilidad ng Pangulo ng Republika na magsalita sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso.

Isinasaad sa Artikulo VII Seksyon 23 ng Saligang Batas ng Pilipinas na “The President shall address the Congress at the opening of its regular session. He may also appear before it at any other time. “

Naging tradisyon at pagkakataon ang mandatong ito upang ilahad ng Pangulo ang pangkalahatang kalagayan ng bansa, ang kanyang mga nagawa, mga plano patungkol sa ekonomikal, politikal at panglipunang kondisyon ng bansa, at kanyang mga ipinapanukalang batas sa harap ng mga mambabatas at piling panauhin, kabilang ang mga kinatawan ng iba’t ibang embahada at konsulado ng mga dayuhang bansa sa Pilipinas.


Iba’t ibang ‘trivia’ tungkol sa SONA

Isinasagawa ang SONA tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo kung saan nakatutok ang mga mamamayan at maging mga dayuhan sa sasabihin ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.

Naglabas noong Hunyo 26, 2023 ng isang pahayag ang Malakanyang kaugnay ng kasaysayan ng SONA at sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos.

Ayon dito, inaasahan sa SONA na ilalahad ng Pangulo ang mga nagawa at kasalukuyang proyekto ng pamahalaan. Sinasabi rin dito ang kanyang mga plano – mga programa at proyekto sa susunod na mga taon ng kanyang panunungkulan, at ang mga prayoridad nyang panukalang batas.

- Advertisement -

Sa mga nagdaang taon, nagsisimula ang SONA ng alas-4 ng hapon. Nagtitipon ang mga personalidad kabilang ang Unang Pamilya, mga kaibigan ng Pangulo, senador, mambabatas, artista at iba pang espesyal na personalidad sa Batasang Pambansa upang antabayanan ang talumpati ng Pangulo.

Bago ang aktwal na SONA, isinasagawa ang regular session ng dalawang kapulungan ng Kongreso at naghahalal sila ng kanilang mga opisyal.

Sa kasaysayan, isinagawa ang kauna-unahang SONA noong Nobyembre 25, 1935 sa panahong Komonwelt ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa Legislati\ve Building sa Manila na ngayon ay National Museum of Fine Arts.

Sa iba’t ibang lugar naman idinaos ang mga sumunod na SONA. Inihayag ang SONA nina  dating Pangulong Sergio Osmena at Manuel Roxas ang kanilang mga talumpati sa pansamantalang Kongreso sa Lepanto Street, Manila (S. H. Loyola Street ngayon).

Sa ikalawang SONA ni Elpidio Quirino, nagtalumpati siya mula sa kanyang hospital bed sa Johns Hopkins Hospital sa Maryland, US. Napakinggan ito ng mga Pilipino mula sa radyo sa pamamagitan ng RCS.

Sa House Session Hall ng Legislative Building naman idinaos ang SONA nina dating Pangulong Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, at Diosdado Macapagal.

- Advertisement -

Iba’t ibang lokasyon din idinaos ang SONA ni dating Pangulong Ferdinand Marocs Sr sa loob ng 21 taon niyang administrasyon – sa Legislative Building, Malacanan Palace, Quirino Grandstand, Philippine International Convention Center, Luneta Park, at Batasang Pambansa, kung saan idinaos ang mga sumunod pang SONA, kabilang ang sa kanyang anak na si Pangulong Marcos Jr.

Itutuloy

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -