NAGBIGAY Ang kanyang pahayag si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng National Resilience Month ngayong Hulyo. NARITO Ang pahayag ng ikalawang pangulo.
Mga Kababayan
Assalamu alaykum warahmatullahi wabarakatuh.
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Ang katatagan laban sa sakuna ay hinuhubog ng walang-patid na pagbabantay at maagang pagkilos. Ang isang bansang madalas tamaan ng kalamidad, ang pagiging handa ang pinakamalakas nating depensa.
Noong nakaraang buwan lang, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang katimugang Mindanao, alas-siyete y medya ng umaga—sa mismong unang araw ng pasukan sa mga pampublikong paaralan. Mahigit siyamnapung buhay ang nawala at mahigit isang libong katao ang nasugatan. Ang umagang iyon ay naging isang masakit na alaala para sa maraming pamilya at kabataan.
Noong nakaraang linggo naman, dumaan ang Bagyong Inday sa ating bansa. Bagama’t hindi ito direktang tumama sa lupa, pinalakas nito ang hanging habagat na nagdudulot ng mga pagkidlat, pagbaha, at pagguho ng lupa na kumitil sa buhay ng labinlimang Pilipino.
Sa paggunita natin sa National Disaster Resilience Month, hinahamon ko ang ating mga lokal na pamahalaan na maghigpit na ipatupad ang mga building code at safety standards, suriin ang mga evacuation center, at ayusin ang mga emergency protocol.
Sa bawat pamilyang Pilipino, tiyakin natin ang kaligtasan ng ating mga tahanan: laging subaybayan ang mga emergency alerts, maghanda ng survival kit, alamin ang mga ruta ng paglikas, at makilahok sa mga emergency drills. Ligtas lang ang isang komunidad kung ligtas ang pinakamahinang pamilya nito.
Hindi natin mapipigilan ang paglindol o ang paglakas ng mga bagyo, ngunit nasa kamay natin ang pagpapatibay ng ating imprastraktura at komunidad.
Let us refuse to let tragedy be our only teacher. Readiness must live in every barangay, every school, every business, and every household.
May we all have a meaningful and action-oriented observance of National Disaster Resilience Month.
Mga Kababayan, Mahalin natin ang Pilipinas. Ibalik natin ang tapang at malasakit. Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines



