33.6 C
Manila
Linggo, Hunyo 7, 2026

Malalaking dam, prayoridad ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGBIBIGAY ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng sapat na pondo sa National Irrigation Administration (NIA) para masuportahan ang mga programang pang-irigasyon sa bansa.

Mga larawan mula sa Presidential Communications Office

Sa kanyang miting kasama ang mga opisyal ng NIA, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng malalaking dam, ‘di lamang para sa patubig ng lupang pansakahan kundi para na rin sa iba pang serbisyo.

Kasama sa mga proyekto ng NIA ngayong taon ang Pump Irrigation Sub-Program, Stage 2 ng Ilocos Norte-Ilocos Sub-Abra Irrigation Project, Balog-Balog Multipurpose Project Phase II at Special Irrigation Sub-Program.

Sa ilalim ng mga programa ng NIA ngayong 2025 na programs, activities and projects (PAPs), naglaan ang ahensya ng P20.84 bilyon para sa Pump Irrigation Sub-Program at P7.88 bilyon para sa Stage 2 ng Ilocos Norte-Ilocos Sub-Abra Irrigation Project (INISAIP).

Ang inilaan para sa Balog-Balog Multipurpose Project Phase II sa Tarlac ay P2.49 bilyon habang P99.5 milyon ang inilaan para sa Special Irrigation Sub-Program.

“The big dams. We need to have that,” sabi ni Pangulong Marcos na tumutukoy sa NIA funding sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

“The P22 billion, that’s in the GAA, P22.882 [billion], that’s in the GAA. Palagay ko mayroon pa tayong savings diyan,” sabi ni Pangulong Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -