29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

ISO Certification for Quality Management Systems, napanatili ng Dep-Ed

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPANATILI ng Department of Education (DepEd), sa pamumuno ng Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte, ang ISO Certification for Quality Management Systems (QMS) sa isinagawang Surveillance Audit sa mga National QMS Pilot Offices sa unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

Isinagawa ang Surveillance Audit noong Hunyo 6-7 upang matukoy kung ang naitatag na QMS ng DepEd pilot offices ay ipinatupad, napanatili at nagamit ng maayos para sa tuloy-tuloy na pagpapabuti ng sistema.

Napatunayan muli ang Department of Education na pinagbubuti nito ang mga sistema at proseso ng departamento na naaayon sa mga de-kalidad na serbisyo nang makatanggap muli ito ng ISO Certification for Quality Management Systems. TMT FILE

Ang TÜV NORD, bilang isa sa pinakamalaking organisasyon sa pag-inspeksyon, pagbibigay ng sertipikasyon at pagsusuri sa buong mundo, ay nagsagawa ng surveillance audit kung saan walang nakitang hindi pagsunod sa DepEd NQMS Pilot Offices na kinabibilangan ng Central Office (CO), Regional Office (RO) IV-A Calabarzon, Schools Division Office (SDO) ng Biñan City, Biñan Elementary School (BES), at Biñan Integrated National High School (BINHS).

Ang surveillance ay para sa ISO 9001:2015 Certification na natanggap ng kagawaran noong 2022 para sa NQMS Pilot Offices nito na nagpapatunay sa ginagawang pagpapabuti ng mga sistema at proseso at naaayon sa mga de-kalidad na serbisyo ng DepEd.

Para sa taong ito, pinangunahan ni Undersecretary at Chief of Staff Michael Wesley Poa ang Executive Committee sa audit para sa Top Management, kasama ang Quality Management Representative Undersecretary Gloria Jumamil-Mercado.


Sina Undersecretary Annalyn Sevilla, Revsee Escobedo, Nolasco Mempin at Omar Romero, at Assistant Secretaries Alma Torio, G.H. Ambat, Dexter Galban at Noel Baluyan ay dumalo rin bilang mga kinatawan ng ahensya para sa Top Management.

Samantala, ang mga pilot office sa RO IV-A (Calabarzon) ay pinangunahan ni Regional Director Atty. Alberto Escobarte, Division Superintendent Manuela Tolentino (SDO Biñan), at mga school heads na sina Pilar De Castro at Oliver Caliwag (Biñan Elementary School at Biñan Integrated National High School).

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -