31.5 C
Manila
Sabado, Hulyo 18, 2026

Pagsasanay ng mga master sa wikang Ayta Mabukun at Alta sa Master-Apprentice Language Learning Program isinagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

IDINAOS ang pagsasanay ng mga master ng Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Hulyo 2, 2025 sa Bahay-Wika, Brgy. Bangkal, Abucay Bataan.

Sa pangununa ni Dr. Romylyn Metila ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman ay isinagawa ang pagsasanay sa anim na master ng wikang Ayta Magbukun at wikang Alta.

Ang programang MALLP ay isang language immersion program ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nakatuón sa pagtuturo ng wika sa mga nasa hustong gulang (adult apprentice) at kasalukuyang umiiral sa Ayta Magbukun, Alta, at Inata. Layunin ng pagsasanay na magbahaginan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagtuturo ng kani-kanilang wika bilang paghahanda sa susunod na batch ng mga apprentice. Inaaasahang tig-anim na apprentice ang makikilahok sa kada wika sa pagbubukas ng Panuruang Taóng 2025–2026.

Pinangunahan ng KWF ang gawain, sa pamamagitan nina Arthur Casanova, PhD, tagapangulo, sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika kasama sina Lourdes Hinampas, punò ng Sangay; Jennifer Bactol; at Rolien Mark Balisi katuwang si Ginette Lopez ng Provincial Government Office ng Bataan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -