DUMALO si Vice President Sara Duterte sa 60th Araw ng Nunungan na ginanap sa Nunungan Government Center Gymnasium sa Brgy. Abaga, Nunungan, Lanao del Norte. Narito ang kanyang pahayag.

“Lubos ang aking kasiyahan na maimbitahan at makasama ang ating mga kababayan mula sa bayan ng Nunungan, Lanao del Norte sa mismong selebrasyon ng kanilang ika-60 na Araw ng Nunungan noong nakaraang buwan.
“Ang selebrasyon ay patunay ng isang kuwento ng katapangan at pagbabago. Dahil sa maayos na pamamalakad ng pamahalaan at pagkakaisa ng lahat, nawala ang kaguluhan sa bayan ng Nunungan.

“Everything starts with peace. Mahalaga ito upang makamit ang kaunlaran. Kapag maayos at mapayapa ang isang komunidad, umaakit ito ng mga negosyante at mamumuhunan sa lugar, na nagbibigay naman ng trabaho sa mga residente.

“Mga kababayan, walang imposible kung nagkakaisa ang lahat, kabilang ang lokal na pamahalaan, civil society, at ang mismong komunidad.
“Akong panghinaot nga kamo magpabiling simbolo sa kalig-on ug panaghiusa sa pagtuo. Daghang salamat sa inyong pagdawat kanamo.”



