28.7 C
Manila
Linggo, Hulyo 19, 2026

PBBM tiniyak ang mas matatag na edukasyon at proteksyon sa mga Pilipinong seafarer

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY na pinalalakas ng pamahalaan ang edukasyon at pagsasanay ng mga Pilipinong Marino para matiyak ang kaligtasan at kahandaan sa anumang panganib sa kanilang paglalayag.

Sa kaniyang talumpati sa pagtatapos ng Philippine Marine Merchant Academy (PMMA) SALIGHIRANG Class of 2026 sa San Narciso, Zambales, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iyan ay dahil nahaharap sa. matinding hamon ang maritime education at certification standards ng bansa.

“We strengthened maritime education and training, improved certification systems, upgraded facilities and equipment, and worked closely with our international partners to ensure that Philippine standards continue to meet global expectations,” ani Pangulong Marcos.

(“Pinalakas natin ang edukasyon at pagsasanay sa sektor ng maritima, pinahusay ang sistema ng sertipikasyon, in-upgrade ang mga pasilidad at kagamitan, at nakipagtulungan nang malapit sa ating mga pandaigdigang katuwang upang matiyak na patuloy na nakatutugon ang pamantayan ng Pilipinas sa pandaigdigang inaasahan.”)


Sinabi ng Pangulo na nalagay sa panganib ang kabuhayan ng humigit-kumulang 50,000 Pilipinong mandaragat na nagsisilbi sa mga barkong rehistrado sa European Union kaya agad umaksyon ang pamahalaan.

“We could not allow the future of our Filipino seafarers to be placed at risk. That is why your government acted immediately,” diin ng Pangulo.

(Hindi natin maaaring hayaang malagay sa panganib ang kinabukasan ng ating mga Pilipinong marino. Kaya naman agad na kumilos ang inyong pamahalaan upang matugunan ang hamong ito.)

Tiniyak ni Pangulong Marcos na ang tungkulin ng pamahalaan ay hindi nagtatapos sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan at kakayahan makapagtrabaho ng mga Pilipinong Marino.

- Advertisement -

Marami pa rin aniyang Pilipinong mandaragat ang naglalayag saan man mga lugar na may panganib, kabilang ang mga rehiyong apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, at sila ang prayoridad ng pamahalaan.

“Your government will always be within reach, ready to help. Wherever the sea takes you, whether you serve under the Navy’s flag, guard our shores, or fly our colors as merchant marine officers, never forget to bring that light with you,” dagdag ng Pangulo.

(Laging handang umalalay at tumulong ang inyong pamahalaan. Saanman kayo dalhin ng dagat—maging bilang bahagi ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, tagapangalaga ng ating mga karagatan, o opisyal ng merchant marine na nagdadala ng dangal ng ating bansa—huwag ninyong kalimutang dalhin ang liwanag na iyon saanman kayo magpunta.)

Hinikayat din ng Pangulo ang mga nagtapos na taglayin ang kahusayan, mamuno nang may kababaang-loob, at maglingkod nang may integridad. | PND

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -