28.7 C
Manila
Linggo, Hulyo 19, 2026

Mungkahi ni Cayetano patungkol sa witness withdrawal, pinagpatibay ng impeachment court

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAGTIBAY ng impeachment court ng Senado nitong Miyerkules ang mungkahi ni Senator-judge Alan Peter Cayetano na huwag nang payagang magpaliwanag ang mga kampo sa open court kung bakit nila inuurong ang kanilang mga testigo.

Ayon kay Cayetano, imbis na sabihin sa korte, maaari na lamang itong ipaliwanag sa press briefing o iba pang pampublikong forum.

Sa ikaanim na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni  Cayetano na mahalagang malaman ng publiko kung bakit inuurong ang mga testigo.

Ngunit ayon sa kanya, kung ipapaliwanag ito sa mismong pagdinig, maaaring may  mailahad na impormasyon na hindi naman naiprisinta bilang testimonya o naisailalim sa cross-examination.

“The problem with explaining why you’re withdrawing is actually you are feeding to the  court something they did not testify to and then something the defense cannot object to,” wika ni Cayetano sa impeachment court nitong July 15, 2026.


Nangyari ito matapos bawiin ng prosekusyon ang anim na testigo nitong July 14 at 15.  Ipinaliwanag nang detalyado nina lead prosecutor at Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro at private prosecutor Lorna Kapunan ang dahilan ng pag-urong ng mga ito.

Umalma dito si defense counsel Sheila Sison at sinabing ang mahahabang paliwanag  tuwing may inuurong na testigo ay maaaring makaapekto sa pagiging patas ng paglilitis at sa pananaw ng hukuman tungkol sa kaso

Ayon kay Cayetano, magiging limitado ang pagkakataon ng kabilang panig na sumagot  kung pahihintulutan ang ganitong mga paliwanag sa pagdinig.

“I agree that this is an impeachment court, people need to know why. But I think we have been very lenient… if you do it here, walang chance y’ung prosecution to rebut that. Or if  they do, it’s one rebutting the other rather than the witness standing,” sabi niya.

- Advertisement -

Sinabi rin ni Cayetano na maaaring ipaliwanag ng magkabilang panig ang kanilang mga  desisyon sa labas ng silid ng hukuman. Binigyang diin niya na ang pag-urong ng mga testigo ay hindi dapat ituring na tanda ng kahinaan.

“People have to understand why it is not a sign of weakness… in fact, it is a sign that  you’ve achieved your position, but we can do that in the presscon and other forums,” giit niya.

Sumang-ayon si Presiding Officer at Senator-judge Francis Escudero sa mungkahi ni Cayetano. Nagpasya siyang hindi na papayagang magbigay ng ganitong mga paliwanag sa impeachment court.

“As ruled by the presiding officer, henceforth, that will no longer be allowed… As pointed  out by Senator-judge Alan, these words can be best expressed outside this court so we can manage the court’s time better given that both parties have their respective spokespersons to discuss these matters,” wika ni Escudero.

Nitong nakaraang araw, pinagtibay rin ng impeachment court ang ilan pang mungkahi ni  Cayetano na dapat munang magkaroon ng pagkakasundo ang mga senator-judge sa caucus bago ang oral arguments tungkol sa tax at bank records ng Bise Presidente.

Inaprubahan din ng korte ang mungkahi niyang linawin ang itinakdang oras para sa  pagtatanong at debate. Ayon sa kanya, ang pagpapahaba ng oras ng pagsasalita ay dapat lamang payagan kung hindi magkakasundo ang mga senador sa caucus.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -