30.6 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Gatchalian pinuri ang pagtutok ng administrasyon sa reporma sa edukasyon, pagbangon ng pagkatuto

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatupad ng mga makasaysayang batas at reporma upang itaguyod ang pagbangon ng pagkatuto at tugunan ang krisis sa edukasyon ng bansa.

 

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address o SONA, binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga batas na isinulat at itinaguyod ni Gatchalian. Kabilang dito ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, at Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act.

 

Tinukoy ng Pangulo ang mga hakbang para maipatupad ang mga batas na ito, tulad ng tuloy-tuloy na tutoring at remedial programs, pagdaragdag ng guidance counselors sa mga pampublikong paaralan, at pagtatayo ng mga child development centers (CDCs) sa mga barangay na wala pa nito.

 

“Nagpapasalamat tayo sa Pangulo dahil tiniyak niyang maipapatupad natin ang mga repormang magpapatatag sa pundasyon ng ating mga kabataan at magtataguyod sa kanilang kapakanan. Patuloy tayong makikipagtulungan sa administrasyon upang tiyaking maaabot natin ang bawat kabataang nangangailangan ng ating tulong,” ani Gatchalian.

 

Nangako rin ang senador na sisiguraduhing sapat ang pondo at suporta para sa mga programang ito upang maisakatuparan sila nang buo at epektibo. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -