MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte na dumalo siya sa Plenary Budget Hearing para sa Office of the Vice President 2026 Budget.

Aniya, “Dumalo po tayo sa Plenary Budget Hearing para sa Office of the Vice President 2026 Budget noong nakaraang linggo kasama ang ilan sa mga kasamahan natin sa Tanggapan.

“Maraming salamat sa Senate of the Philippines sa pagsuporta sa pondo ng aming opisina para sa susunod na taon. Makakaasa kayo na ito ay gagamitin ng tama at angkop sa programang magsusulong ng mga serbisyo na ibinibigay ng ating Tanggapan para sa ating mga kababayan.

“Maraming salamat Sen. Win Gatchalian, Senate Chairman ng Finance at Sponsor ng 2026 OVP Budget.
“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”



