27.7 C
Manila
Martes, Hulyo 7, 2026

Korte Suprema, isinantabi ang hiling ni Sen Dela Rosa para sa TRO

- Advertisement -
- Advertisement -

SA special session nito kahapon, Miyerkules, May 20, 2026, sa kasong G.R. No. 278747 (Rodrigo Roa Duterte and Senator Ronald “Bato” M. Dela Rosa v. Hon. Lucas Bersamin, et al.), isinantabi ng #KorteSuprema ang hiling para sa isang temporary restraining order (TRO) at/o status quo ante order (SQAO) na inihain ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa botong 9-5-1.

Sa mga manipestasyon ni Senador Dela Rosa, humiling siya ng TRO at/o SQAO para pigilan ang Department of Interior and Local Government, ang Department of Foreign Affairs, ang Department of Justice, ang Philippine National Police, ang National Bureau of Investigation, ang Bureau of Immigration, ang Armed Forces of the Philippines, at ang Criminal Investigation and Detection Group na arestuhin siya batay sa anumang warrant mula sa International Criminal Court, red notice at diffusion mula sa International Criminal Police Organization (Interpol), o anumang dayuhang hudisyal o quasi-judicial na kasangkapan nang walang warrant na nagmula sa hukuman ng Pilipinas.

Ang buong Resolusyon at ang mga Separate Concurring o Magkakahiwalay na Sumasang-ayon at Dissenting Opinion o Hindi Sumasang-ayon na Opinyon ng mga Miyembro ng Korte Suprema ay ia-upload sa website ng Korte sa Lunes, Mayo 25, 2026.

Ang interim relief o pansamantalang lunas lang ang napagpasyahan ng Korte Suprema. Reresolbahin pa ang mga pangunahing isyu na inihain ng mga partido sa kanilang mga pleading at mosyon sa mismong pangunahing kaso.

Mada-download ang kopya ng mga available na pleading sa seksyong Current Cases ng website ng Korte Suprema.

Basahin ang press briefer sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166441.

Originally published by the Supreme Court Public Information Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -