24.5 C
Manila
Lunes, Hulyo 13, 2026

Mga rehiyon na nakaranas ng mabilis na paglago noong 2024 at 2025

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANU-ANONG rehiyon ang nakaranas ng mabilis na paglago noong 2024 at 2025? Nakahabol naman ba ang mga mahihirap na rehiyon kumpara sa mga mayayamang rehiyon? Ano ang dahilan ng developments na ito?

Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.06% noong 2024 at 2025. Bumagal nang bahagya ang Gross Regional Domestic Product (GRDP) noong 2025 sa 4.4% kumpara sa 5.71% noong 2023.

Umakyat ang coefficient of variation (COE) ng mga GRDP growth rates sa 34.5%  noong 2025 mula sa 17.5% noong 2024. Ang ibig sabihin nito, mas inequitable ang paglago ng mga rehiyon, mas lumayo sa isa’t isa ang kanilang paglago. Sinusukat ng COE kung paano naka-disperse o nakakalat ang antas ng pag-unlad at paglago ng mga rehiyon.

Natamaan ng masamang klima ang paglago ng mga rehiyon sa labas ng National Capital Region (NCR), ang pinakamayamang rehiyon. Doble pahirap ang idinulot ng kalikasan sa mga mahihirap na rehiyon noong 2025. Noong unang kalahati ng 2025, natamaan ng El Nino ang ani ng mga rehiyong ito. Sinundan naman ng La Nina noong ikalawang kalahati ng taon. Pagkatapos matosta at magkabitak-bitak ang mga bukirin sa init ng tag-araw, binaha naman ito at hinampas ng 23 na bagyo kasama dito ang limang supertyphoon.

Sa pangkalahatan, nahulog ang GRDP growth ng Bicol Region sa 0.52%; Eastern Visayas sa 0.99%; Zamboanga Peninsula sa  2.64%;  Central Visayas sa 3.74%; at Cagayan Valley sa 3.91%; at MIMAROPA sa 4.32%.


Nasa gitna ang NCR sa antas na 4.35%; Cordillera, 4.36%; Central Luzon, 4.46%; Ilocos Region, 4.52%;  SOCCSKSARGEN, 4.85%; Western Minadanao,4.92%; at Bangsamoro, 4.99%.

Namayagpag naman ang Western Visayas sa antas na 6.38%; Negros Island sa 5.70%; CARAGA sa 5.68%; at Davao sa 5.15% na di masyadong natamaan ng delubyo.

Ang pagkakapantay-pantay ng mga ekonomiya sa mga rehiyon ay isang layunin na gustong matupad ng lahat ng mga development plans ng mga administrasyong nagdaan.

Ngunit noong 2025, dahil mas apektado ang GRDP growth rate ng mahihirap na rehiyon kumpara sa mas mayayamang GRDP growth rate, halos walang nagbago sa ranggo ng per capita GRDE ng mga rehiyon. Ang ibig sabihin ay ang per capita GRDP ang nagpapakita na ang mga mayayamang rehiyon at mayayaman pa rin. (Table 2)

- Advertisement -

Ang maliit na pagbabago ay nakita sa ranggo ng Cordillera na pumangatlo sa halip na pumangalawa; Northern Mindanao na lumipat sa pangalawa sa halip na pangatlo; CARAGA na umakyat sa numero 12 mula sa numero 13 dahil nabagyo at nabaha nang husto ang Cagayan Valley; at Bicol at Zambanga Peninsula na nagpalitan ng ika-16 at ika-17 na puesto.  Kulelat pa rin ang pitong pinakamahirap na  rehiyon mula BARMM, Bicol, hanggang Zamboanga.

Ang pagbaba ng GRDP growth ay dahil sa pagtapyas ng government investment bunsod ng matinding kontrobersiya tungkol sa mga ghost projects sa gitna ng taon. Maraming proyekto ang hindi naimplementa at hindi matagpuan kahit na na-disburse na ang mga pondo. Habang iniimbestiga ang pagkawala ng pondo, kailangang bawasan ng DPWH ang naka-allocate na pondo para sa capital outlays at maglinis sa kanilang paligid para maparusahan ang mga may kagagawan ng mga anomalyang ito.

Sa mga pag-aaral sa Department of Finance (DOF), dalawa ang dahilan kung bakit nangunguna ang ibang rehiyon sa GRDP growth—ang antas ng gross regional domestic investment; at ang tindi ng epekto ng mga sakuna sa rehiyon.

Ang mababang antas ng gross regional domestic investment ang siyang may malaking hadlang sa paglago ng mga ekonomiya sa mga rehiyon. Kailangang manghikayat ang mga rehiyon ng mga negosyong maglilikha ng trabaho. Magagawa lang ito nang mas mahusay kapag may investment promotion activities na gagawin ng mga lider ng mga rehiyon.  Kailangan ding bilisan ang pag-proseso ng mga investments para di lilipat ang mga negosyante sa kabilang mga rehiyon o kabilang bansa.

Kailangang damihan ang mga imprastruktura sa mga rehiyon. Malakas ang hatak ng imprastruktura sa negosyo. Ang problema ay walang tumitingin sa mga local na pamahalaan sa mga proyektong dinadala ng National Government (NG) sa mga rehiyon. Iyan ang dahilan kung bakit mabagal ang implementasyon ng mga proyekto at iyong iba ay nananakawan ng pondo. Kailangang gawing  priority ng mga Regional Development Councils (RDCs) na siyang kapulungan ng mga lider ng mga rehiyon ang pag-monitor ng implementasyon ng mga proyekto.

Hindi priority ng mga rehiyon ang imprastruktura kahit alam na nila na ang imprastruktura ang dahilan ng paglago ng ekonomiya. Kahit na 20% ng development expenditures ay dapat sa development projects mapunta gaya ng kalsada, tulay , at patubig, malaki pa rin sa mga resources ng Local Government Units (LGUs) ay nalulustay ang malaking halaga sa mga paluging economic enterprises na ginagawang pang-ayuda sa kanilang mga botante. Nawawala ang P70 bilyon bawat taon sa mga proyektong ito noong nakaraang sampung taon.

- Advertisement -

Malaki rin ang kasamaang dulot ng mga bagyo at iba pang natural disasters. Kailangan gawing mas disaster proof ang mga ekonomiya ng mga rehiyon. Kailangang manghikayat ang mga lider ng mga rehiyon ng disaster risk insurance para makalikom ng financial support para makapagsimula ulit kapag natamaan ng sakuna.

Table 1. GROSS REGIONAL DOMESTIC PRODUCT
              Growth Rate AVERAGE RANGGO
2024vs2023 2025vs2024
TOTAL Philippines 5.71% 4.40% 5.06%
NCR National Capital Region 5.57% 4.35% 4.96%                     10
CAR Cordillera Administrative Region 4.86% 4.36% 4.61%                   13
I Ilocos Region 4.91% 4.52% 4.71%                   11
II Cagayan Valley 5.42% 3.91% 4.67%                   12
III Central Luzon’ 6.44% 4.46% 5.45%                     6
IV-A CALABARZON 5.66% 5.10% 5.38%                     8
IV-B MIMAROPA 4.43% 4.22% 4.32%                   14
V Bicol Region 5.04% 0.52% 2.78%                   18
VI Western Visayas 4.42% 6.38% 5.40%                     7
NIR Negros Island Region 5.73% 5.70% 5.72%                     2
VII Central Visayas 7.35% 3.74% 5.55%                     4
VIII Eastern Visayas 6.12% 0.99% 3.55%                   16
IX Zamboanga Peninsula 4.21% 2.64% 3.43%                   17
X Northern Mindanao 6.07% 4.92% 5.49%                     5
XI Davao Region 6.27% 5.15% 5.71%                     3
XII SOCCSKSARGEN 5.55% 4.85% 5.20%                     9
XIII CARAGA 6.97% 5.68% 6.32%                     1
BARMM Bangsamoro Autonomous Region 3.50% 4.99% 4.25%                   15
Coefficient of Variation 17.4% 34.5% 18.2%
SOURCE:  Philippine Statistics Authority

 

                       Per Capita GDP
Table 2. GROSS REGIONAL DOMESTIC PRODUCT at  2018 constant prices
                 RANGGO
2023 2024 2025 2023 2025
TOTAL Philippines 188,061 197,096 204,005
NCR National Capital Region 479,415 503,424 522,564                     1 1
CAR Cordillera Administrative Region 194,036 201,186 207,589                     2 3
I Ilocos Region 131,491 137,604 143,476                     8 8
II Cagayan Valley 118,762 124,370 128,410                   12 13
III Central Luzon’ 181,682 191,739 198,609                     6 6
IV-A CALABARZON 184,067 192,226 199,726                     5 5
IV-B MIMAROPA 124,518 129,053 133,480                   11 11
V Bicol Region 97,969 102,051 101,700                   16 17
VI Western Visayas 127,776 132,550 140,068                     9 9
NIR Negros Island Region 125,078 131,749 138,726                   10 10
VII Central Visayas 176,496 187,622 192,739                     7 7
VIII Eastern Visayas 112,848 118,888 119,166                   15 15
IX Zamboanga Peninsula 97,471 100,339 101,724                   17 16
X Northern Mindanao 190,554 200,314 208,312                     3 2
XI Davao Region 188,571 198,496 206,727                     4 4
XII SOCCSKSARGEN 115,789 120,931 125,453                   14 14
XIII CARAGA 117,396 124,236 129,925                   13 12
BARMM Bangsamoro Autonomous Region 59,276 60,406 62,438                   18 18
Coefficient of Variation 8.4% 8.5% 8.5%
SOURCE:  Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

.Region XII (SOCCSKSARGEN) 113,051 115,789 120,878 14 14
..Region XIII (Caraga) 113,180 117,396 124,150 13 13
.Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) 54,764 56,058 56,643 18 18
Philippines 179,788 188,061 197,054
SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -