IKINATUWA ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules ang makasaysayang panalo ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa unang round ng prestihiyosong Wimbledon Championships.
Binati ni Lacson si Eala at hiniling ang patuloy nitong tagumpay.
“Watching Alex Eala’s easy win in her first round of the prestigious Wimbledon Championships is a welcome respite. Congratulations and good luck!” aniya sa X.
Naitala ni Eala, 21, ang una niyang panalo sa main draw ng grass-court Grand Slam tournament nitong Miyerkules ng madaling araw (oras sa Maynila), matapos talunin sa straight sets si Renata Zarazua ng Mexico.
Uusad siya sa susunod na round kung saan makakaharap niya si Maya Joint, 20, na tumalo kay Serena Williams.

