24.5 C
Manila
Lunes, Hulyo 13, 2026

Lacson:Hindi tungkulin ng Impeachment Court spokesperson na ‘sawayin’ ang mga senator-judge

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI tungkulin ng tagapagsalita ng Impeachment Court na dumidinig sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte na sawayin o punahin sa publiko ang mga senator-judge dahil sa mga diumano’y pagkakamali ng mga ito, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado.

Ayon kay Lacson, mas mabuting ipaubaya na lamang ni Atty. Reginald Tongol sa mga  senator-judge mismo ang mga usapin tulad ng posibleng sub judice na mga pahayag, dahil maaari naman nila itong talakayin at resolbahin sa kanilang caucus.

“With due respect to Atty. Tongol, ang aming spokesperson. Spokesperson siya ng Impeachment Court, nagsasalita siya on behalf of all the senators. Huwag niya ibalik sa amin na parang kami kina-caution-an niya, ina-admonish na wag magsalita ng ganon. Kung halimbawa meron sa aming nakapagsalita ita-take up dapat namin sa aming caucus. Huwag ipahayag sa publiko parang sinasabihan ang mga Senator Judges,” aniya sa panayam sa DZMM.

“If there are indiscretions committed by a senator-judge, it is best to take it up in an all senator-judges caucus, instead of lecturing in public or during the trial,” dagdag niya.

Idiniin din ni Lacson na si Tongol, bilang tagapagsalita ng Impeachment Court— at ng mga Senator-Judge — ay nararapat na umiwas na lamang sa pagbibigay ng puna hinggil sa asal o kilos ng mga senator-judge.


Aniya, “uncalled for” ang pagkomento ni Tongol sa mga usapin gaya ng Facebook post ni  Sen. Robinhood Padilla, dahil siya ang tagapagsalita ng Hukuman at hindi ang kritiko nito.

“It is not in his space to call the attention of senator-judges to adhere to Rule 18 of the Rules of Procedure on Impeachment Trials, even sounding like he was admonishing Sen. Padilla for his FB comments,” diin ni Lacson.

Kasabay nito, muling binigyang-diin ni Lacson na may pananagutan ang mismong mga Senator-Judge na magpakita ng self-restraint sa kanilang mga pampublikong pahayag upang maiwasan ang anumang pananaw na sila ay kumikiling sa alinmang panig.

“We should be responsible enough. Dapat conscious kami lagi na mga huwes kami. Hindi  kami pwedeng magpahayag even sa interviews tulad nito o mismo sa trial na nagpoproject na kami panig sa prosecution o depensa,” aniya.

- Advertisement -

Samantala, sinabi ni Lacson na maaaring magkaroon ng panibagong caucus ang mga  Senator-Judge sa darating na linggo upang talakayin ang mga nakabinbing mosyon, kabilang ang mosyon ni Alan Peter Cayetano na makipag-ugnayan sa Sandiganbayan upang payagan ang mga nakakulong na senador—kabilang si Jose “Jinggoy” Estrada—na dumalo sa paglilitis.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -