26.5 C
Manila
Biyernes, Hulyo 24, 2026

PBBM binisita ang 2 kawani ng Philippine Navy na nasugatan sa Ayungin Shoal

- Advertisement -
- Advertisement -

PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Camp Ricarte Station Hospital sa Puerto Princesa City ang dalawang sugatang kawani ng Philippine Navy na nasugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Bilang pagkilala sa kanilang katapangan at tapat na paglilingkod sa bayan, iginawad ng Pangulo ang Order of Lapu-Lapu sa dalawang sundalo at ipinagkaloob ang tig-P100,000 na tulong pinansyal. Kasabay nito, ipinahayag ng Pangulo ang buong suporta ng pamahalaan sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na patuloy na nagtatanggol sa soberanya at karapatan ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -