BINATI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Iglesia ni Cristo (INC) sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo nito.
Kinilala niya ang mahigit isang siglo ng pagtataguyod ng pananampalataya, disiplina, at paglilingkod sa komunidad.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ng Pangulo na “the government stands in solidarity with organizations that strengthen families, promote peace, and expand compassion throughout our country.”
(Ang pamahalaan ay kaisa ng mga organisasyong nagpapatatag sa pamilya, nagtataguyod ng kapayapaan, at nagpapalawak ng malasakit sa buong bansa.)
“I extend my warmest greetings to the Iglesia ni Cristo (INC) as you commemorate your 112th Anniversary. For more than a century, the INC has served as a guide to a community grounded in faith, discipline, and a shared sense of responsibility,” pahayag ng Pangulo.
(Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo nito. Sa loob ng mahigit isang siglo, nagsilbing gabay ang INC sa isang komunidad na nakabatay sa pananampalataya, disiplina, at sama-samang pananagutan.)
“From your humble beginnings, you have grown into a religious institution whose presence has reached communities across the globe. Your enduring work reminds us that a life rooted in devotion and integrity helps reinforce the moral foundation of society,” diin ng Pangulo.
(Mula sa simpleng simula, lumago ang INC bilang isang relihiyosong institusyon na umabot sa mga komunidad sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinapaalala ng inyong patuloy na paglilingkod na ang buhay na nakabatay sa debosyon at integridad ay nagpapatibay sa moral na pundasyon ng lipunan.)
“May this anniversary reaffirm the sacred mission that has sustained your Church through the generations. As you gather in thanksgiving, may this milestone deepen your commitment to translating your beliefs into meaningful acts that uplift those in need, comfort the weary, and foster harmony wherever you serve,” diin ng Punong Ehekutibo.
(Nawa’y muling pagtibayin ng anibersaryong ito ang banal na misyon na nagpapatatag sa inyong Simbahan sa paglipas ng mga henerasyon. Habang kayo ay nagtitipon upang magpasalamat, nawa’y lalo pang tumibay ang inyong paninindigan na isabuhay ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangan, pagdamay sa napapagod, at pagtataguyod ng pagkakaisa saan man kayo naglilingkod.)
Hinikayat din ng Pangulo ang mga miyembro ng INC na patuloy na makiisa sa pagbubuo ng Bagong Pilipinas.
“In this spirit, encourage every member of the INC to remain a steadfast partner in nation-building, where faith is demonstrated through service and citizenship is expressed through genuine concern for others,” ayon sa Pangulo.
(Sa ganitong diwa, hinihikayat ko ang bawat miyembro ng INC na manatiling matatag na katuwang sa pagbuo ng bansa, kung saan ang pananampalataya ay ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod at ang pagiging mabuting mamamayan ay naipapakita sa tunay na malasakit sa kapwa.)
Bilang pagtatapos, sinabi ng Pangulo, “May this celebration also inspire renewed reflection on your calling as we continue building the pillars of our Bagong Pilipinas. Mabuhay ang INC!”
(Nawa’y magsilbi rin ang pagdiriwang na ito bilang inspirasyon upang pag-isipang muli ang inyong misyon habang patuloy nating itinatayo ang matibay na pundasyon ng Bagong Pilipinas. Mabuhay ang INC!)–|PND

