25.7 C
Manila
Martes, Hulyo 28, 2026

Ano ang dahilan ng pagtaas ng unemployment rate sa 4.8% noong Mayo 2026? May kinalaman ba ito sa pagtaas ng inflation at interest rates?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAWALAN ang ekonomiya ng 663 libong trabaho noong Mayo 2026 kumpara noong Mayo 2025. Umakyat ang unemployment rate sa 4.8% kumpara sa 3.9% noong nakaraang taon.  Ito ang pinakamataas na unemployment rate sa nakaraang apat na taon. Anu-ano ang mga dahilan nito?  (Table 1)

Nawalan ng 735 libong trabaho ang agrikultura at ng services sector ng 296 libong trabaho. Ngunit nakalikha ang industriya ng 468 libo.  (Table 2)

Naapektuhan ang agrikultura ng matinding El Niño na nagbawas ng ani sa maraming bahagi ng kapuluan. Noong Abril 2026, nag-isyu ng alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) tungkol sa pagbaba ng antas ng ulan sa iba’t ibang probinsiya.  Bumagsak ang ani ng -0.2% noong unang quarter, dahilan para rumatsada ang inflation ng pagkain na umakyat sa 5.8% noong Abril.

Lumikha ang industriya ng  445 libong trabaho dahil sa mabilis na paglago ng manufacturing at mining. Natulungan ang manufacturing ng malakas na exports ng electronics na lumago ng 17.5% noong unang limang buwan ng 2026. Dahil ito sa paglago ng artificial intelligence na layuning pabilisin at pagaanin ang mga trabaho ng mga tao, lalo na sa pagkalap at pagpapalaganap ng inpormasyon. Nakatulong din ang mining dahil sa  malakas na demand ng mga metals sa pandaigdig na merkado. Tumaas ang exports ng mineral products ng 39.4%sa US$3.9 bilyon kasama ang ginto na lumago ng 93.6%.

Ngunit patuloy na nabawasan ang trabaho sa construction na siyang dahilan ng malakas na paglagapak ng ekonomiya noong nakaraaang taon. Ngunit di gaya noong nakaraang taon kung kailan bumagsak ang bilang ng trabaho sa construction ng 550 libo, bumagsak lang ito ngayong buwan ng 4,000 kumpara noong Abril 2025.  Di pa rin nakakabawi ang construction sa epekto ng iskandalo sa ghost at substandard projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). At patuloy ang kabawasan ang expenditure sa infrastructure projects noong  unang quarter. Hindi pa tapos ang  pagrepaso ng pamahalaan sa mga maanomalyang proyekto at iilan pa ang napaaparusahan na  kontraktor at opisyal ng pamahalaan na kasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit humina ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho.


Tanging ang industriya ang nakapaglikha ng trabaho; lumikha ito  ng 275 libo. Ito ang mga korporasyon na naambunan ng paglago ng exports. Lumago ang exports ng 10.6% base sa US$37.9 bilyon noong unang limang buwan ng 2026 kumpara sa US$37.9 bilyon noong unang limang buwan ng 2025.

Nabawasan ang labor force ng 200 libong katao dahil bumagsak ng labor force participation rate (LFPR) sa 63.8% mula sa 65.5%. Dahil nabawasan ang mga trabaho sa ekonomiya ng 663 libo at umurong ang numero ng mga bagong panhik sa labor force ng  20 libo, tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa 2.5 milyon, 460 libo na mas mataas kaysa sa bilang noong nakaraang taon. Dahil dito, umakyat ang unemployment rate sa 4.8% mula sa 3.9% noong nakaraang taon.

Kasabay sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, umurong ang bilang  ng underemployed persons sa 6.04 milyon mula sa 6.06 milyon. Ngunit dahil sa mas malaki ang labor force at mas mababa ang bilang ng employed persons, ang underemployment rate ay bumaba sa 11.58% mula sa 13.1%. Mas marami sa mga manggagawa ang napilitang makuntento sa mga trabahong kanilang tinanggap at di na naghahanap ng ibang trabaho dahil alam nilang mahirap maghanap ng trabaho.

Anu-ano ang nawalang hanapbuhay noong buwan ng Mayo? Karamihan o -462 libo ay mga skilled agricultural, fishery, at forestry workers. Sinusundan ito ng mga managers na aabot sa -223 libo, technicians and associate professionals (-218 libo), elementary occupations (-195 libo), clerical support workers (-75 libo) at armed forces occupations (-16 libo). Samantala, dumami ang mga trabaho para sa service and sales workers (183 libo),  plant and machine operators and assemblers (181 libo), professionals (158 libo), at crafts at related trades workers (4 libo).  Ang ibig sabihin, anuman ang antas ng skills o pinag-aralan at kita ng mga tao, lahat ay naapektuhan ng mabagal na ekonomiya.

- Advertisement -

Sa mga klase ng manggagawa, mas marami ang nawalan ng trabaho sa mga maliliit na negosyo sa informal na sector. Kasama rito ang mga negosyo sa mga bahay, Karamihan ay ang mga self-employed (-566 libo), mga nagtatrabaho sa pribadong bahay (-457 libo), at family-operated na negosyo na nagtratrabaho nang di binabayaran (-403 libo). Ganoon din ang mga manggagawa sa gobyerno at korporasyon ng gobyerno (-169 libo) at mga binabayarang manggagawa sa mga family-operated na negosyo (-17 libo). Ang gobyerno at impormal na sector ay parehong bumagal sa paghina ng ekonomiya.

Karamihan sa mga nalikhang trabaho ay nasa pormal na sector gaya ng mga establisimiyento ng pribadong sector (944 libo) at wage and salary workers (301 libo), at mga employer sa kanilang own family-operated na negosyo (6 libo).  Ang huling mawawalan ng trabaho kapag mabagal ang ekonomiya ay mga may-ari ng negosyo dahil patuloy silang nagbabasakali na gaganda ang outlook ng kanilang negosyo.

Ang paghina ng ekonomiya, mabagal na paglikha ng hanapbuhay kasabay ng pagsiklab ng El Niño, ang mataas na inflation rate dahil din sa presyo ng langis na nagpahina ng consumer demand, at ang mahinang paggasta ng gobyerno sa infrastructure ay malaki ang dulot na kahirapan sa mga maliliit na negosyo. Base sa mga pribadong analysts, kailangang itaas pa ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang   policy interest rates ng isang beses para matuldokan ang suliranin sa inflation. Ang pagtaas ng interest rates ay magpapabagal pa sa daloy ng ekonomiya. Ngunit kapag napababa ang inflation, maaring magsimula ulit ang paglago ng ekonomiya.

TABLE 1. LABOR AND EMPLOYMENT  
2025 2025 CHANGE
May May 2026vs2025
Persons Above 15 Years Old (Millions)                 79.46                 81.69 2.22
Labor Participation Rate (%)                 65.85                 63.81 -2.04
Labor Force (Millions)                 52.33                 52.13 -0.20
Employed Persons (Millions)                 50.29                 49.63 -0.66
Employment Rate (%)                 96.11                 95.21 -0.90
Unemployed Persons (Millions) 2.04 2.50 0.46
Unemployment Rate (%)                   3.89                   4.79 0.90
Underemployed Persons (Millions)                   6.60                   6.04 -0.57
Underemployment Rate (%)                 13.10                 11.58 -1.52
Source: Philippine Statistics Authority
TABLE 2.   Employed Persons by Sector, Occupation, and Class of Worker
May 2025 and May 2026
  CHANGE
Sector/Occupation/Class of Worker May 2026p May 2026p 2026 vs
thousands of workers 2025
EMPLOYED PERSONS 50,290 49,627 -663
  SECTOR    
Agriculture 10,603.1 9,868.4 -735
Industry 8,636.3 9,104.1 468
Services 31,050.4 30,654.7 -396
  OCCUPATION    
Managers 1,937.7 1,715.1 -223
Professionals 2,760.9 2,918.6 158
Technicians and associate professionals 2,157.4 1,939.9 -218
Clerical support workers 4,122.3 4,047.6 -75
Service and sales workers 12,058.0 12,240.6 183
Skilled agricultural, forestry, and fishery workers 5,742.6 5,280.3 -462
Craft and related trades workers 3,559.5 3,563.7 4
Plant and machine operators and assemblers 4,201.2 4,382.6 181
Elementary occupations 13,619.5 13,424.2 -195
Armed forces occupations 130.8 114.6 -16
  CLASS OF WORKER    
Wage and salary workers 31,587.0 31,888.0 301
Worked for private household 2,359.6 1,902.2 -457
Worked for private establishment 24,388.5 25,332.2 944
Worked for government or government corporation 4,706.6 4,537.9 -169
Worked with pay in own family-operated farm or business 132.8 115.6 -17
Self-employed without any paid employee 14,064.5 13,498.6 -566
Employer in own family-operated farm or business 872.0 878.4 6
Worked without pay in own family-operated farm or business (Unpaid family worker) 3,766.2 3,362.7 -403
SOURCE: Philippine Statistics Authority

Source: Philippine Statistics Authority

 

 

- Advertisement -

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -