26.8 C
Manila
Lunes, Hulyo 27, 2026

Survey: Mas maraming Pilipino ang nais makarinig ng mga solusyon kaysa sa mga listahan ng mga nagawa na ng pamahalaan sa ika-5 SONA ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

MARAMING mga Pilipino ang nais marinig ang mga solusyon ng pamahalaan sa mga nangyayaring kaguluhan sa bansa kaysa sa mg nagawa na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ayon sa isang survey nitong Linggo, Hulyo 26, 2026.

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang nagsasagawa ng pinal na paghahanda para sa 2026 State of the Nation Address, na ibibigay niya ngayong Lunes, Hulyo 27 sa magkasamang sesyon ng Congress sa Batasang Pambansa in Quezon City. Larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

Ang mga resulta ng survey ng EON, isang public affairs at stakeholder relations firm, ay inilabas isang araw bago ang ika-limang SONA  ni Pangulong Marcos Jr. na magaganap ngayong ika-apat ng hapon, Hulyo 27, 2026 sa Batasang Pambansa, Quezon City.

Ayon sa survey ng may 1,200 respondents na namili ng hanggang tatlong sagot, 48.3 porsiyento ang nais na marinig ang “mga solusyon sa mga kasalukuyang pambansang mga problema.”

Samantala, “ ang mga nagawa na ng administrasyon” ang pinakahuling pinili na may 22 porsyento ng mga respondents.

Bukod sa dalawang ito, 35.6 porsyento ng mga Pilipino ang nais na marinig ang mga “anti-corruption measures at mga pagbabagong gagawin ng pamahalaan,” 34.7 porsiyento ang nais ng “updates sa mga nakaraang mga pangako,” at 32.8 porsiyento ang nais malaman ang mga “plano para bumaba ang mga presyo ng bilihin at serbisyo.”


May 27.2 porsyento rin ng mga respondents ang nais marinig ang “totohanang usapan ng mga problema ng bansa, samantalang 23.5 porsyento ang nais malaman ang “mga plano at mga programa sa darating na taon” ng pamahalaan.

“Respondents place immediate action and accountability ahead of accomplishment reporting in what they want to hear from the President,” ayon sa EON.

Isinagawa ng EON ang pre-SONA survey mula Hulyo 7-10, 2026.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -