26.8 C
Manila
Lunes, Hulyo 27, 2026

Sino ang mastermind sa gulo sa South China Sea? 

ULTIMONG BIGWAS 

- Advertisement -
- Advertisement -

Unang Bahagi

MALIWANAG sa mga video na naglabasan sa kagyat na nakaraan na mga sundalong  Pilipino ang nagpanimula ng gulo sa Ayungin Shoal. Bagama’t dalawa sa kanila ang nagtamo ng kapansanan, iyun ay bunga ng ganting-hampas ng mga tripulanteng Chino na kanilang sinalakay.

Nangyari ang insidente noong isang linggo, dalawang araw bago ang pagbubukas ng Asean Foreign Ministers’ Meeting sa Pasay City, noong Hulyo 20, 2026.

Sa nasabing pagpupulong, nakatakdang mag-karoon ng bilateral na pag-uusap sina Chinese Foreign Minister Wang Yi at Secretary Ma. Theresa Lazaro sa tagiliran ng Asean meeting upang talakayin kung papaanong mapagbubuti ang sitwasyon sa pinag-aagawang karagatan na South China Sea. Kung bakit naganap nga ang bayolenteng hampasan ng mga sundalong Pilipino na nangangalaga sa nakabalahurang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at mga tauhan ng China Coast Guard na nagsasagawa ng routine na pagpapatrulya sa kapaligiran.

Kitang-kita na ang sasakyan ng CCG ay sadyang dumidistansya sa tropa ng mga Pilipino upang umiwas nga sa gulo, subalit sakay ng kanilang rubber boats ay sumugod pa rin ang mga Pilipino upang makipaghampasan sa mga Chino, na sakay naman ng mas malaki at matatag na sasakyang pandagat.


Sa engkwentro, dehadong-dehado ang mga Pilipino at lumitaw na siyang mga biktima, palibhasa siyang mga nagtamo ng kapansanan.

At iyon ang tumampok sa media: kinawawa ang mga sundalong Pilipino.

Malayo sa katotohanan.

Sabi nga ng Deputy Spokesperson ng Chinese Embassy na si Guo Wei, “You cannot start trouble and then play the victim (Hindi puwedeng magsimula ka ng gulo at pagkatapos ay magpapanggap na biktima).”

- Advertisement -

Mas biktima pa ng bayolenteng insidente ang pulong nina Foreign Minister Wang Yi at DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro. Kung anuman ang dapat sanang mas makabuluhang adyenda na nakahanda sa kanilang pag-uusap ay ganap na natabunan ng insidente sa Ayungin Shoal.

Ang dalawang opisyal ay nauwi sa pag-papahayag ng kanya-kanyang paninindigan sa pangyayari.

Pansinin kung papaanong ang lahat nang lumabas na balita sa pulong ng dalawa ay ang kanya-kanyang pag-aalala sa nangyari sa Ayungin Shoal.

Pahayag nga ng Spokesperson ng China Foreign Ministry na si Lin Jian: “A notable phenomenon is that whenever China and the Philippines may communicate, whenever there is an important diplomatic agenda in the region, some forces will always jump out using maritime issues to provoke and create trouble. What is truly happening?And who is the mastermind behind it? I believe every one can see it clearly. The incident is provoked by the Philippine military (Isang kapansin-pansin na pangyayari na sa tuwing ang China at Pilipinas ay nakatakdang mag-usap, at sa tuwing may mahalagang adyendang diplomatiko sa rehiyon, may mga puwersang lilitaw gamit ang isyu ng karagatan upang manghamon at lumikha ng gulo. Ano ang tunay na nangyayari? At sino ang mastermind sa linkod nito? Naniniwala ako na ito ay kitang-kita ng lahat. Ang insidente ay likha ng Philippine military).”

Tama ang Chinese Spokesperson sa kanyang paniniwala.

Unang-una, ang mga nagpasimuno ng gulo ay mga sundalo. Hindi nila gagawin iyon kung walang nag-utos mula sa itaas.

- Advertisement -

Ikanga, iyon ang cardinal na utos: “Do or die and know not why (Sumugod at mamatay at huwag nang alamin pa kung bakit).”

Sa ganyang bagay, hindi tayo makapagtuturo nang eksakto. Subalit maaaring mangahas.  SI Jay Tarriela, ang Philippine Coast Guard spokesperson para sa South China Sea?

O itodo na ang taas sa Secretary of National Defense,  Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.

Silang dalawa lang naman ang huwag lang na di maire ang China Coast Guard, nakatungayaw na agad sa media ng agresyon ng China.

Sa totoo lang, lahat ng ginagawa ni Teodoro ngayon ay maliwanag na nakatuon sa  pagpapainit sa tensyon sa South China Sea.

Nag-post sa Facebook ang China Daily ng karikatura ng taong unggoy, una si Teodoro sa pagkondena sa China dahil sa paglalarawan aniya nito sa mga Pilipino bilang mga unggoy.

E, ni isang kataga o anumang bagay na pagkakakilanlan sa unggoy bilang Pilipino ay wala  sa video.

Bakit nasabi ni Teodoro na ang karikatura ng unggoy ay Pilipino?

O dahil ang nakita ni Teodoro ay ang sarili.

Sa psychology, ang tawag dito ay archetypal inflation. Sa sobrang laki ng simbolo, hindi na ito nakayanan ng kanyang ego kung kaya ang nakikita niya na lamang ay hindi ang simbolo kundi ang sarili.

Pero, balik sa orihinal na usapin.

Dito mismo sa insidente sa Ayungin Shoal, una pa rin si Teodoro sa pagtawag sa China Coast Guard bilang mga mananalakay.

Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa.

Maliwanag sa lahat ng gawi ni Teodoro na may pag-aapura sa panig niya at ng kanyag pinangangamuhan na painitin na talaga ang sitwasyon sa South China Sea.

At sa pagpapainit na ito, ang tanging buntunan ng sisi ay China.

Kahanga-hanga na sa kabila ng mga pang-aalipusta ni Teodoro, patuloy pa rin ang pagpipigil ng China.

Mulat ang China sa katotohanan na, kagaya nga ng naipahayag ng China Foreign Ministry Spokesman sa unahan, mayroong mastermind sa mga nangyayari.

Tinukoy ng Spokesman ang litaw na Mastermind.

Ang tanong, sino ang nakatagong Mastermind?

Sasaliksikin natin ang usapin na ito.

May kasunod

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -