NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senator Erwin Tulfo sa ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Tayo po ay nagagalak na nabanggit ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalimang SONA ang ilan sa mga mariin nating ipinaglalaban sa Senado.
“Una, ang problema sa labis na pagtaas ng singil sa kuryente. Bilang kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Energy, inumpisahan na po natin ang mga pagdinig sa EPIRA Law amendments. Sisikapin po nating maisabatas ito at tuluyan nang tanggalin ang dagdag pasakit sa konsyumer kagaya ng system loss charge at buwis.
“Bilang tagapangulo rin ng Blue Ribbon Committee, patuloy po ang ating pag-iimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects. Uumpisahan po natin kaagad ito sa oras na makumpleto na ang mga miyembro ng ating komite. Maliban diyan, iimbestigahan na rin po natin ang korapsyon sa ibang ahensya, tulad po ng mga kickback schemes sa pagkuha ng environment-related permits at marami pang iba.
“At panghuli, kaisa po tayo ng administrasyon sa pagtatanggol ng ating soberanya. Atin ang West Philippine Sea. Hindi tayo pasisiil.”

