Sa kabila ng naiulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA simula noong Lunes, nananatili pa ring maayos ang operasyon ng EDSA Busway at MRT-3.
Simula nang pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program, tinatayang nasa mahigit 100,000 pa rin ang naitatalang average ridership ng EDSA Busway ngayong buwan ng Hulyo.
Base sa monitoring ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), higit 300 na pampasaherong bus ang bumibiyahe sa EDSA Busway araw-araw, at inaasahang madaragdagan pa ang kanilang bilang upang matugunan ang passenger demand sa naturang ruta.
Nananatili namang mabilis ang travel time para sa mga commuters at pampasaherong bus na bumabagtas sa EDSA Busway. Noon, kung inaabot ng 3-4 na oras ang biyahe ng bus mula Monumento hanggang PITX, ngayon dahil sa EDSA Busway, umaabot na lamang ito sa 45 minuto hanggang isang oras.
Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng LTFRB ang publiko na gamitin ang EDSA Busway, upang makatulong sa pagbabawas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA, lalo na tuwing rush hour.
Hinihikayat rin namin ang publiko at mga private vehicle owners na patuloy na gamitin ang MRT-3 kung sila ay babiyahe sa kahabaan ng EDSA.
Ang MRT-3 ay patuloy na nakakapagbibigay ngayon ng mas maganda, mas maayos, at mabilis na serbisyo sa ating mga commuter. Inaasahang mas gaganda pa ang serbisyo nito oras na matapos ang massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy mula sa bansang Japan sa December 2021.
Bukod dito, inaasahang maibabalik na rin ang Service Contracting Program sa ilalim ng regular budget ng gobyerno upang mabigyan ng insentibo ang mga Public Utility Vehicles (PUV) na magbigay ng ginhawa sa mga pasahero sa pamamagitan ng Libreng Sakay.
Antabayanan ang iba pang anunsyo ng DOTr, LTFRB, at MRT-3 kaugnay ng Service Contracting Program, MRT-3, EDSA Busway, at iba pang impormasyon patungkol sa iba pang programa ng ahensya.
#LTFRB #DOTrPH #EDSABusway #SulongMRT3 #ServiceContractingProgram