29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Law dean: DQ petitions vs Marcos walang basehan; BBM qualified na tumakbo sa pagka-presidente

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY na dumarami ang mga eksperto sa batas na nagsasabi na kwalipikadong tumakbo bilang pangulo sa halalan sa 2022 si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at iginiit na ang petisyon para kanselahin ang kanyang Cettificate of Candidacy (CoC) ay mahina at walang legal na basehan.

Si Atty. Emmanuel Samonte Tipon, isang US-based Filipino lawyer, at dean ng Northwestern University College of Law, ang panibagong abogado na nagbasura sa pitong petisyon na isinampa laban kay Marcos Jr.

Sa kanyang isinulat na opinyon, iginiit ni Dean Tipon na wala umanong kwestiyon na nakasunod si Marcos sa lahat ng requirement na kailangan sa ilalim na Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution na nagsasabing, “No person may be elected President unless he is a natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, able to read and write, at least forty years of age on the day of the election, and a resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election.”

Idinagdag pa ni Tipon na ang sinasabi sa Section 12 ng Omnibus Election Code of the Philippines na “Any person who has … been sentenced . . .for a crime involving moral turpitude, shall be disqualified to be a candidate and to hold any office,” ay hindi umaayon sa 1987 Constitution kaya hindi umano nito saklaw ang “eligibility requirement” para sa pagka-pangulo.

Iginiit pa ng abogado na hindi pwedeng ma-disqualify si Marcos sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code (OEC) dahil lamang sa utos ng korte na pagmultahin ito sa hindi pagpa-file ng income tax returns at hindi rin ito maituturing ng krimen na may “moral turpitude.”

“Marcos is not disqualified under OEC Sec. 12 because it does not define what constitutes a “crime involving moral turpitude.” Therefore, like beauty, a “crime involving moral turpitude” is in the eye of the beholder. This makes the statute unconstitutionally void for vagueness and violates the due process provision of the Constitution,” ani Tipon.

Ipinunto pa ng dean na naunang denisisyunan ng Supreme Court na ang hindi pagpa-file ng income tax return ni Marcos ay hindi krimen na kinasasangkutan ng “moral turpitude.”

Binanggit pa ni Tipon na wala umanong misrepresentation nang sumagot ng “no” si Marcos sa Question 22 ng COC form. “Question 22 is not relevant to the eligibility requirements for President specified in the Constitution because a conviction for any offense does not automatically bar eligibility,” giit ni Tipon.

Si Tipon ang isa lamang sa dumaraming mga eksperto sa batas, na hindi supporter at hindi abogado ni Marcos, na nagsasabing walang basehan at panggulo lamang ang mga isinampang petisyon laban dito.

Nito lamang nakaraang buwan, iginiit din ni Ateneo Law Professor at dating DOJ Secretary Alberto Agra na walang basehan ang petisyong isinampa laban kay Bongbong.

Ganito rin ang opinyon ni UST College of Law Dean Nilo Divina at sinabing ang petisyon laban kay Marcos ay “defective in form” at walang legal na basehan.

Nito lamang din isang linggo, 13 abogado mula sa Ateneo Law School at miyembro ng Fraternal Order of Utopia ang nag-alok ng libreng serbisyo para bantayan ang kanyang boto sa darating na halalan.

Si Tipon ay isa ring Fulbright and Smith-Mundt scholar nang kumuha siya ng Master of Laws sa Yale Law School. Nakuha naman niya ang kangyang degree sa abogasya sa University of the Philippines. Nagpa-practice siya ng federal law at pinapayagan siyang mag-abogado sa US Supreme Court, New York at maging sa Pilipinas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -