NANAWAGAN si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa mga kooperatiba mula Luzon at Mindanao na hindi masyadong naapektuhan na magpadala ng mga linemen at kailangang mga gamit upang maibalik kaagad ang daloy ng kuryente sa mga apektadong lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
“In the spirit of unity, I appeal to all coops who were not affected by the onslaught of the typhoon to help in restoring electric power in the areas badly hit by the calamity so we can all have a brighter Christmas,” wika ni Marcos, ilang minuto matapos makarating sa kanyang kaalaman ang matinding pinsala na iniwan ng bagyo sa bansa.
Bago nito, pinasalamatan ni Bongbong ang lahat ng volunteer na tumulong sa preparasyon at pamamahagi ng mga relief pack sa mga apektadong probinsiya.
Ilang lugar sa Cebu ang patuloy na inaalam ang laki ng pinsalang iniwan ng bagyo, gayundin ang mga kalsadang hindi pa rin madaanan, mga walang kuryente, supply ng tubig at kahit koneksyon ng internet.
Anim na katao ang nasawi sa Mandaue City na isang malungkot na sitwasyon para sa pamilya ng biktima na mangungulila sa kanila ngayong Kapaskuhan.
Humihingi naman ng pang-unawa sa kanilang mga customer ang Visayan Electric Co., ikalawa sa pinakamalaking electric company sa bansa, dahil ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maibalik ang supply ng kuryente sa lalong madaling panahon.
“Much as we would like to energize our franchise area right away, the magnitude of the damage caused by the typhoon prevents us from doing so. We will conduct line- clearing operations first before restoring power,” sabi nito sa pahayag.
“In these times of difficulty, we ask for our customers’ understanding if we cannot attend to your concerns right away. Our team members are also victims of the typhoon and are also ensuring the safety of their respective families,” dagdag pa ng kompanya.
Sinabi naman ni Edna Inocando, spokesperson ng Metropolitan Cebu Water District (MCWD), sa isang local radio interview na aabutin pa nang hanggang dalawang linggo bago maibalik ang supply ng tubig sa normal.
“This will depend on how fast the Visayan Electric can also bring back the power supply. MCWD is trying to bring generators to their water pumps in order to operate these as soon as possible,” anang Inocando.
Sinabi ni Marcos na sa panahong ito muling lumalabas na ang tunay na diwa ng Bayanihan.
Nagbigay babala si Marcos sa mga nasa apektadong lugar na huwag lumapit sa mga nagbagsakang poste ng kuryente upang maiwasan ang ano pa mang sakuna.
Dapat din aniya na matiyak na hindi manakaw ang mga kable ng nagtumbahang poste dahil napakahalaga nito sa mabilis na pagbalik ng supply na malaking bagay din sa komunikasyon at mga pagamutan.
“We have been to a lot of challenges as a nation in the past, and each time our spirit of pagkakaisa and bayanihan’ kept us together. We will persevere and we will get through this stronger and more unified,” pahayag pa niya.