26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

BBM-Sara UniTeam nanawagan sa supporters na ipagpaliban ang caravan sa NCR dahil sa Covid19 alert level 3

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN ngayon (Enero 1) ang BBM-Sara UniTeam sa mga taga-suporta nito na ipagpaliban muna ang mga naka-schedule na caravan sa Metro Manila sanhi ng posibleng pagtaas sa kaso ng Covid19 dahil sa mas nakahahawang Omicron variant.

Nitong Biyernes, inanunsyo ng Malacanang na napag-desisyunan ng IATF na ilagay ang buong Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang 15, matapos ang kapansin-pansing pagtaas ng bilang ng kaso sa Covid19.

Bilang tugon, pinayuhan ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at kanyang running-mate na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga taga-suporta na nakatakda sanang magsagawa ng unity caravan sa Caloocan City bukas (Enero 2) na ipagpaliban muna ito para masiguro ang kaligtasan ng mga lalahok.

“The safety of everyone is of paramount importance to us. That is why we are advising all our supporters to exercise self restraint in their political mobilization plans in compliance with the IATF decision.  We are also appealing to our supporters to postpone mass gatherings and obey the guidelines under the Alert level 3,” ayon sa UniTeam.

Sa ilalaim ng Alert Level 3, ang mga sinehan at iba pang negosyo ay maari lamang mag-operate ng 30 porsyento sa indoor venue para sa mga fully vaccinated at 50 porsyento naman para sa outdoor venue; habang ang ibang aktibidad na itinuturing na “high-risk” para sa hawahan ay hindi muna papayagan katulad ng face to face classes, contact sport, amusement parks, casinos, horse-racking, sabong, at ang pagtitipon-tipon ng hindi mga kapamilya.

Nanawagan din ang BBM-Sara UniTeam sa publiko na maging alerto at patuloy pa rin ang pag-iingat habang andiyan ang banta ng Omicron variant.

“We are urging our fellowmen not to let their guards down and instead be vigilant.  Now is not the time to be complacent.  Let’s follow the IATF’s guideline to ensure that we all remain safe,” dagdag pa ng UniTeam.

Kamakailan ay nakapagtala ang Pilipinas ng apat na kumpirmadong kaso ng Omicron variant.

Kasabay nito, hinimok din ng UniTeam ang mga hindi pa nababakunahan na agad magpabakuna dahil ito ang pinakamabisang panlaban sa Covid19.

“We are also urging everyone to get vaccinated and for those eligible for booster shots to get it ASAP.  Vaccines are the only sure way to protect oneself against hospitalization or death from the variants that are cropping up,” anang UniTeam.

Inihayag  din kamakailan ng World Health Organization (WHO) na ang Delta at Omicron variants ang responsable sa patuloy na pagsirit pataas ng kaso ng Covid19.

Pinayuhan din ng WHO ang mga bansa na palakasin ang vaccination program ng mga pamahalaan sa buong mundo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -