32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

BBM: Paglinang ng renewable energy sources kailangang palaganapin

- Advertisement -
- Advertisement -

NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagpapalakas at pagpapalawak sa paggamit ng ‘renewable energy’ sources ang isa sa mabisang paraan upang mabigyang solusyon ang problema sa mataas na singil ng kuryente sa bansa.

Bukod dito, magandang hakbang din aniya ito upang matugunan ang problema sa climate change at maging global warming.

Sa isang panayam, sinabi ni Bongbong na napapanahong pag-aralang muli ang iba’t ibang alternatibong paraan na pagkukunan ng enerhiya na malaking tulong sa ating mga kababayan.

“Ang gagamitin natin is natural sources of energy. Hindi na tayo gagamit ng coal. Hindi na tayo gagamit ng fossil fuel. Kailangan meron tayong kapalit and the renewables ay (always) available,” ani Marcos.

Ilan sa maaring pagkunan ng renewable energy ay ang sikat ng araw, hangin, ulan, alon sa dagat at geothermal heat.

Bukod sa labis na pahirap sa taumbayan ang mataas na singil ng kuryente, isa rin aniya ito sa tunay na dahilan kung bakit maraming negosyante ang natatakot na mamuhunan sa bansa.

“This has been a constant sticking point with all of our investors not only foreign investors even the local investors. Kapag tinatanong mo yung mga negosyante na gustong magtayo ng planta, gustong magtayo ng manufacturing ‘yun ang inirereklamo nila. Sinasabi nila ang taas masyado ng kuryente nila, hindi kami maka-compete sa ibang lugar,” sabi pa ni Marcos.

Aniya, tamang direksiyon at political will lamang ang kailangan upang magpag-igi ang lahat ng uri ng renewable energy.

Maganda rin aniya kung ang iba’t ibang source ng renewable energy ay magsasama-sama o ipagdudugtong para higit pang makapag-produce ng malakas na enerhiya.

Inihalimbawa nito ang matagumpay na Wind Farm sa Ilocos na siyang pinagkukunan ng malaking bahagi nang enerhiya sa lalawigan kaya mababa ang singil sa kuryente sa kanilang probinsiya.

Ang Windmill Farm na nasa Bangui Bay shoreline ng Ilocos Norte ay  isa na ring tourist attraction ngayon.

Bukod sa enerhiyang pinagkukunan mula sa hangin, pinalagyan ito ni Marcos ng 20 megawatt solar power farm sa Bgy. Pagudulan, bayan ng Currimao na tinatayang may 26,000 pamilya ang nakikinabang ngayon.

“Kami ‘dun sa Ilocos Norte inumpisahan namin ‘yung Wind Farm and it’s been very successful. Ang wind farm namimili ng lugar ‘yan eh hindi lang basta-basta kahit saan,” sabi niya.

“Ngunit ang solar yung cost ng solar at saka yung efficiency ng pag-convert ng araw sa kuryente tumataas na. Maganda na at ang maganda sa Pilipinas kahit saan pwede mong ilagay yung solar kahit saan viable yan. Kahit saan pwedeng gamitin ,so these are all the technologies that are available,” dagdag ni Bongbong.

Para kay Bongbong, sa tulong ng Public Private Partnership (PPP), dapat ay magkaroon ng matinding pag-aaral sa renewable energy dahil nahahati  sa tatlo ang pamamaraan at sistema nito.

Una ang production, transmission at distribution ng enerhiya.

“I think that is something that we look into but again balik na naman tayo sa PPP dahil hindi naman kayang mag-invest ng tayo lang. Then the technologies are very, very sophisticated kailangan talaga natin ng tulong ng mga experts na galing kung saan-saan,” sabi pa nito.

Samantala, sinabi ni Bongbong na dapat ding pag-aralan ang alok ng isang South Korean firm para sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

“Let’s look at it again.  Mayroon tayong BNPP. Mayroon ‘yang tinatawag na mga sister plants kasi Westinghouse ang gumawa dito sa Pilipinas. Mayroon silang ginawa sa Korea na ganun din na pareho. Halos pareho ‘yung design lahat naman ‘yan custom made pero yung mga basic technologies na gagamitin sa BNPP ginawa nila sa Korea ay napakaganda,” wika pa niya.

“Ironically nga ang tawag dun sa mga electrical pad is ‘Kori’ eh Kori 1, Kori 2, Kori 3, electric, meron na sila hanggang Kori 5 dahil napakaganda ng naging experience nila. Lima na ang ginawa nila. I think nag-iisip sila. Nagpaplano sila ng pang-anim and we haven’t heard any problems from the nuclear power plants in Korea so I think we can look at it. Let’s follow the science, let’s not make it political,” pahabol pa nito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -