Ipahintulot po ninyo na aming liwanagin ang mga bagay patungkol sa exemptions sa ilalim ng “no vaccination, no ride/entry” policy ng Department of Transportation (DOTr) sa pampublikong transportasyon, na naging epektibo simula noong Lunes, ika-17 ng Enero 2022.
Ang pagbibigay po ng exemption sa mga essential workers ay HINDI BAGONG PROTOCOL na ipinatupad matapos simulan ang implementasyon ng polisiya. Iyan po ay talagang nakapaloob sa polisiya. Bago pa ang full implementation ng “no vaxx, no ride” policy noong Lunes, makailang beses nang iginiit ng DOTr ang exemptions sa pamamagitan ng Department Order (DO) nito na isinapubliko sa mga pahayagan noong ika-12 ng Enero at sa mga sumunod naming Press Releases, media announcements, at press conferences.
Malinaw na nakasaad sa DO na ang mga exempted sa “no vaccination, no ride” policy ay ang mga sumusunod:
• Persons with medical conditions that prevent their full COVID-19 vaccination as shown by a duly-signed medical certificate with the name and contact details of their doctor.
• Persons who will buy essential goods and services, such as but not limited to food, water, medicine, medical devices, public utilities, energy, WORK, and medical and dental necessities, as shown by a duly issued barangay health pass or other proof to justify travel.
Ang mga exemptions na binanggit sa polisiya ng DOTr ay alinsunod sa IATF Guidelines kung sino ang mga maaaring magtrabaho sa mga essential industries sa ilalim ng Alert Level 3.
Bago pa man ang full implementation, ipinaalam na rin ng DOTr ang impormasyon na ito sa mga enforcers. Katuwang ang mga kaukulang ahensya, gaya ng Land Transportation Office (LTO), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine Coast Guard (PCG), PNP Highway Patrol Group (HPG), at NCR Police Office (NCRPO), ang mga exemptions sa ilalim ng DO ay patuloy na iginigiit sa kanilang mga formation at deployment.
Bagamat ang polisya ay epektibo habang ang Metro Manila ay nasa Alert Level 3 o mataas pa, kami ay humihingi ng paumanhin sa abalang dulot nito sa mga pasahero.
Ang polisiyang ito ay hindi anti-poor. Ginawa ito upang protektahan ang lahat – parehong ang mga bakunado at ang pinaka delikado na mga hindi bakunado; upang hindi pahirapan ang ating healthcare system, at bigyan ng pagkakataon ang mga pagod ng medical workers na makapagpahinga. Dahil dito, aming itinatama ang iba’t ibang maling impormasyon na nagpagulo lamang sa mensahe. Mahalagang malaman na nagbabala ang mga medical experts na ang severe COVID-19 infections dahil sa kawalan ng bakuna ay nagreresulta sa pagdami ng mga kaso ng mga naoospital na tao. Nagdudulot ito ng dagdag na abala, at mas delikado kung ang mga hindi bakunadong indibidwal ay magkaroon ng severe COVID-19 infections o kaya ay mamatay, partikular ngayon na nakakaalarma ang pagtama ng Omicron variant sa mga Pilipino.
Dagdag dito, ang polisiya ay alinsunod sa aming mandato na magbigay ng ligtas na public transport system para sa mga Pilipino. Dapat nating ikunsidera na kung mayroong pagdami ng virus transmission sa pampublikong transportasyon, mapipilitan kaming isara ito. At ang pinaka-apektado ay ang mga nasa
lower-income bracket na binubuo ng mga gumagamit ng pampublikong transportasyon.
Tinitiyak po ng DOTr na patuloy kaming gagawa ng ibang paraan upang kumbinsihin ang mga tao na magpabakuna. Sa susunod na mga linggo, nakatakda naming ibalik ang aming vaccination drive para sa mga transport workers, ito ang “TsuperHero: Kasangga ng Resbakuna.” Kung inyong matatandaan, ang programang ito na layong mabakunahan ang libo libong mga drayber, konduktor ng public utility vehicles (PUVs), at ibang transport workers ay inilunsad sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong 31 July 2021.
Para sa mga patuloy na kumukwestyon sa legal na basehan ng “no vax, no ride” policy, malinaw na ipinapatupad lamang ng DOTr ang mga ordinansa na inilabas ng lahat ng local government units sa Metro Manila, na alinsunod sa Metro Manila Council (MMC) Resolution para sa mga hindi bakunadong indibidwal. Ang MMC Resolution, na alinsunod din sa IATF Resolution, ay nagbabawal sa mga hindi bakunadong indibidwal na sumakay sa pampublikong tranportasyon. Ang MMC Resolution ay inaprubahan at pinirmahan ng lahat ng Metro Manila Mayors at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), at suportado ng IATF.
Gayundin, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang legal opinion na ang Resolution mula sa MMDA at MMC na may kaakibat na LGU ordinances ay valid exercise ng police power sa ilalim ng Local Government Code. Dahil ang kautusan ng DOTr ay nagpapatupad ng mga ordinansang ito, ang DOTr order ay legally valid din.
Panghuli, inuulit ng DOTr ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra – “The state has the power to regulate the movement of unvaccinated persons if it deems that such regulation is in the interest of public health or public safety.”
by DOTr Communications Office