KAYANG makakuha ng 27 milyon botong kalamangan si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. mula sa kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo sa darating na May 9, 2022 national and local elections.
Ayon sa Splat Communications, organizer ng Kalye Survey, ang ganitong uri ng pagtaya ay mula mismo sa pinagsama-samang datos na kanilang nakalap sa buong kapuluan sa mga nakalipas na buwan.
Tinawag na Pulso ng Pilipinas, ang masinsinang pagsusuri at pagtaya ay may gabay ng consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS).
Anila, kung magkakaroon ng turn-out na 82 percent mula sa 67 million registered voters, maaaring makakuha si Marcos ng 33,128,820 votes. Si Leni Robredo ay malayong nakasunod sa kanya na maaaring makakuha ng 5,637,638 votes.
Isang maliwanag na indikasyon na kayang lamangan ng may 27,491,182 boto ni Marcos ang mga katunggali ngayong Halalan 2022.
Pumangatlo sa kanila si Isko Moreno na may 4,603,972 votes; samantalang sina Manny Pacquiao at Panfilo Lacson ay makakakuha naman ng 3,483,196 at 1,395,476 votes, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Ipinaliwanag ng Splat Communications na nagdesisyon silang magkaroon ng ‘estimation’ upang mabigyan ng malinaw na larawan ang mga nakakalap nilang ‘statistical data.’
Base sa January 1 to 31 Kalye Survey results, si Marcos ay nakakuha ng 8,170 boto o 60.30 percent; si Robredo ay may 1,323 o 9.77 percent.
Si Moreno ay may 1,135 o 8.38 percent; si Pacquiao ay may 859 o 6.34 percent; at si Lacson ay may 344 o 2.54 percent.
Umabot sa 113,548 respondents ang nakalap dito kung saan ay 12.67 percent ang ‘undecided.’
“With a little over three months left before the elections, please be observant and extra vigilant. Expect all the worst imaginable drama, intrigues, downright lies, smear campaigns, and threats against the frontrunner BBM,” Splat said.
“All of his opponents will become desperate as Election Day draws near. Now the disparity is as clear as day. This lead is insurmountable at this stage,” dagdag ng Splat sa kanilang voice-over sa social media.
Noong 2016 presidential elections, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakakuha ng 15,970,018 votes. Lumamang siya ng 6,269,636 votes mula sa 9,700.382 votes na nakuha ni Mar Roxas.
Si dating Pangulong Noynoy Aquino ay lumamang naman ng 5,720,841 laban kay dating Pangulong Joseph Estrada noong taong 2010. Si Aquino ay may 15,208,678 votes kumpara sa nakuhang 9,487,837 votes ni Estrada.
Samantala, dinagsa rin ng papuri at pagbati mula sa kanilang milyon-milyong subscribers ang Splat Communications sa kanilang YouTube channel, kasabay ng paghayag din ng kabi-kabilang suporta para kay Marcos.
“And Splat Communication is fair and honest in reporting the Kalye Survey or the true Voice of the people, that BBM is the people’s choice for this coming election..,” anang isang male subscriber.
“BBM is undeniably the people’s choice. That is certain. SPLAT Communications is doing a great job. Thanks again,” sabi ng isa pang netizen.
“In my own opinion, based on almost all surveys, BBM’s lead in votes over his closest rival will even be greater,” komento ng isa pa.