32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Pastor Apollo C. Quiboloy, hindi basta-bastang ma-extradite dahil sa maraming dadaanang proseso – legal counsel

- Advertisement -
- Advertisement -

Tiniyak ng kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na tatalima sila sa kung ano ang isinasaad ng batas sakaling magkaroon ng extradition request ang US State Department.

Sa isinagawang press conference sa SMNI News, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Pastor Apollo, na nakahanda sila sa anumang hakbang ng US State Department kaugnay sa isyu.

Ngunit nilinaw ni Topacio na hindi sila maaaring kontakin o direktang magkaroon ng komunikasyon sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika dahil dadaan pa ito sa proseso batay sa International Law at maging sa Saligang Batas ng Pilipinas.

“So the FBI, it would not be proper and it will be in breach of protocol if the FBI reaches out directly to us and any such communication will be rejected by us,” saad ni Topacio.

Paliwanag ng legal counsel, dadaan ang extradition request ng FBI sa US State Department kung saan ito ipapadala sa Department of Foreign Affairs.

Susuriin ng DFA sa ilalim ng 1995 Extradition Treaty kung may probable cause para maghain ng petisyon for extradition bago ito i-refer sa Department of Justice para sa nararapat na paghahain ng kaso sa korte ng Pilipinas.

Kaugnay naman sa mga kasong tinutukoy ng FBI laban kay Pastor Apollo, sinabi ni Topacio na tulad ni Atty. Michael Jay Green, ang general counsel ng Kingdom of Jesus Christ, na pawang kasinungalingan at basura lamang ang mga ito.

“Atty. Green has already commented on that as to the polluted source, sinabi nga ‘yan ay mga kasinungalingan and let us remind everyone that our Supreme Court in the Philippines has already stated in no uncertain terms that accusation is not synonymous with guilt,” ani Topacio.

Una na ring tinukoy ni Atty. Green na ang mga nasa likod ng paninirang ito kay Pastor Apollo ay ang mga dating miyembro nito na nagkaroon ng isyu sa loob ng kongregasyon kaya lumayas patungong Amerika.

Kinilala ni Green ang mga ito na sina Shishir Kumar Bhandari, isang Nepalese at asawang si Lady Jade Canada at kapatid na si Pearl Angeli Canada na parehong iskolar ni Pastor Apollo simula pagkabata hanggang sa maging mga abogado.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -