25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Laylo mega-survey: BBM umarangkada ng husto, 64%; Leni kumain ng alikabok, 16%

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY na umaarangkada ang nakukuhang resulta ng tambalang BBM-Sara UniTeam sa pinakabagong report ng prestiyosong survey firm na Laylo Research and Strategies.

Sa pinakabagong Laylo survey ay sumibad pa ang numero ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos makakuha ng 64 porsyento, malayong hindi hamak mula sa nakuhang 16 porsyento ni Leni Robredo; anim na porsyento nina Isko Moreno at Manny Pacquiao at tatlong porsyento naman ni Ping Lacson.

Ang ‘remarkable’ sa resultang ito ay ang four percent na ‘undecided,’ dahil kahit idagdag pa ito sa 16 porsyento ni Robredo, consistent at hindi pa rin matitinag ang 64 porsyento ni Marcos.

“Kapag naka-20 percent si Leni, suwerte nang matatawag iyon dahil hindi tayo sigurado kung iyong natitirang four percent ay buo niyang makukuha? Paano kung paghatian pa iyon nina Ping, Isko at Pacman?” anang isang political analyst.

Ang running-mate ni Marcos na si vice-presidential candidate Inday Sara Duterte (Lakas-CMD) ay matatag din sa nakuhang 60 porsyento.

Malayong hindi hamak din sa ka-tandem ni Leni na si Kiko Pangilinan na may siyam na porsyento lang.

Malaking distansya rin ang lamang ni Duterte sa pumapangalawa sa kanyang si Tito Sotto na mayroong 19 porsyento; si Willie Ong ay may limang porsyento at Lito Atienza ay mayroong isang porsyento.

Tulad ng pagtaya sa presidential race, apat na porsyento din ang naitalang ‘undecided votes,’ base pa rin sa nakalap na datos ng Laylo.

Isinagawa ang survey noong Enero 10-26 mula sa 80 probinsiya o kabuuang 3,090 na mga barangay.

Ang sample size nito ay umabot sa 15,450 na may margin of error na negative/positive 0.8%.

Mula sa kabuuang 17 na mga rehiyon sa bansa, 16 na rehiyon dito ay malayo ang lamang ni Marcos kay Robredo.

Lahat din sa 16 na rehiyon na angat si Marcos ay nakakakuha ito ng mahigit sa 50 porsyento na kabuuang score mula sa mga nakalap na kabuuang bilang ng mga respondents.

Sa National Capital Region ay may 65 porsyento si Marcos, samantalang si Leni ay may 11 porsyento. Lamang pa kay Leni si Moreno na may 13 porsyento; tatlong porsyento naman si Lacson; dalawang porsyento si Pacquiao at anim na porsyento ang undecided.

Sa Cagayan Valley o Region 2, ang nakuha ni Marcos ay 90 porsyento; tatlong porsyento lamang si Robredo at tig-isang porsyento naman sina Lacson, Moreno at Pacquiao – lumalabas na mataas pa sa kanila ang tatlong porsyento na ‘undecided.’

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -