26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Roque: Duterte mabuting mediator sa tensyon ng Ukraine at Russia

- Advertisement -
- Advertisement -

Naniniwala si UniTeam senatorial candidate Harry Roque na maaaring tumulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang Russia-Ukraine conflict dahil sa neutral na posisyon ng bansa at constitutionally-mandated foreign policy of peace sa lahat ng bansa.

Nakikita din ng dating presidential spokesperson bilang isang tagapamagitan dahil sa kanyang pagiging neutral sa nasabing isyu.

Sinabi ni Roque, international law expert, ang Pilipinas ay apektado ng tunggalian dahil sa pagdepende ng bansa sa imported na langis at malakas na bilateral partnership sa Russia.

Sa pagbanggit sa matalik na relasyon ng Pilipinas-Russia mula nang magsimula ang administrasyong Duterte, pinatunayan ni Roque ang personal na relasyon ng Pangulo at ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin.

Sinabi ni Roque na ang Pangulo ay kaibigan ng Russia at may magandang relasyon sa gobyerno ng Estados Unidos dahil may bisa pa rin ang Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty sa pagitan ng US at Pilipinas.

“We have diplomatic relations with Ukraine despite the absence of a resident ambassador there,” sinabi ni Roque.

“I believe that these countries, including US allies, will listen to what President Duterte has to say regarding the peaceful settlement of the Russia-Ukraine dispute,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -