26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Cebu City Mayor Rama tiwala na uunlad ang bansa sa ilalim ng pamamahala ni BBM

- Advertisement -
- Advertisement -

KUMPIYANSA sa kanyang tinatawag na “curing administration” ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos , nagpahayag ng buong tiwala si Cebu City Mayor Mike Rama na makakamit ng bansa ang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran sa ilalim ng pamamahala nito.

Sinabi ni Rama na tanging kagalingan lamang ang nakikita niya kay Bongbong.

“We’ve been with BBM for so long a time. I know him and having so much experience from his father to his senatorship, governorship, put it all together the element of experience is very important,” wika niya.

“When you talk about capacity, let’s not talk about yesterday, let’s move forward. I can see Marcos and (Inday Sara) Duterte as- I called them even MD- the curing administration,” dagdag pa nito.

Nang tanungin patungkol sa mga kritisismong ibinabato kay Bongbong, sinabi ng alkalde na talagang ganoon ang nangyayari sa isang taong nasa taas, at aniya ay hindi na ito bago sa larangan ng pulitika.

“He is being perceived because he is very popular. When you are popular, just like mangoes, when it’s not yet ripe nobody cares but when it’s ripened everybody wants,” sabi niya.

Para kay Rama, ito na ang pagkakataon ng UniTeam na magdala ng kaunlaran, kasaganaan, at kapayapaan para sa bansa.

“Let’s give what we called a best of hope for the curing tandem,” sabi niya.

Nangako si Rama, na tumatakbo ring alkalde ng Cebu City, na magsisikap sila upang papanalunin ang UniTeam.

Ang Cebu City ang isa sa mga tri-cities sa ilalim One Cebu Island na nagpahayag ng suporta para sa UniTeam sa ginanap na general assembly ng One Cebu kamakailan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -