31.2 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Libo-libong engineer sa bansa suportado si BBM

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG ng libo-libong miyembro ng Engineers for a Better Philippines Movement (EBPM) ang kanilang solidong suporta sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at standard-bearer nito na si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa dalawang pahinang manifesto of support na nilagdaan ni EBMP Pres. Jonathan San Juan at iba pa nitong opisyal at miyembro, pormal nilang idineklara ang suporta sa PFP at kay Marcos sa dahilang “nais nilang magtayo ng isang makatarungan mapayapa at maunlad na bansa”.

“We believed that by this Vision, the Filipino society will attain the prosperity and stability of political, economic and cultural with robust relation to God who is the source of all life in the earth; and a society that is free from all the burdens of life: poverty, drugs, crimes, corruption and rebellion,” ayon sa manifesto of support.

“We believe furthermore, that as we face many critical concerns of our nation, the PFP’s common vision will lead to oneness and unified direction for our nation,” dagdag ng manifesto.

Sinabi pa ng EBPM na susuportahan nila si Marcos at PFP hanggang sa mapagtagumpayan nila ang kanilang mga adhikain sa bansa.

Personal na nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng EBMP sa BBM headquarters sa Mandaluyong nitong nakaraang Martes (Abr. 12) para ipakita ang kanilang solidong suporta.

Pormal namang tinanggap ni PFP Secretary General Thompson Lantion ang dalawang pahinang manifesto of support kasabay ng pasalamat sa mga engineer na dumating.

“We welcome the full support of the engineers, makasisiguro kayo na hindi kayo mabibigo sa pagbibigay niyo ng suporta sa amin. Kagaya nga ng madalas sabihin ng aming standard-bearer na si BBM, sama-sama tayong babangon muli,” ani Lantion.

Ang EBPM ay isa lamang sa napakaraming grupo ng mga propesyonal na nagpahayag na ng kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -