29.6 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

BBM hahawakan ang DA; food security ng bansa sisiguraduhin

- Advertisement -
- Advertisement -

HANDANG gampanan ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagiging kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura upang siguraduhin na matutugunan ang kakulangan ng pagkain sa bansa.

Ang hakbang ay ginawa ni Marcos upang mapigilan ang posibleng epekto ng pagkakaroon ng food crisis dahil sa mga nangyayari sa labas ng bansa na pinalala ng patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“As to agriculture, I think the problem is severe enough that I decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now, and at least until we can re-organize the Department of Agriculture in a way that can make it ready for the next years to come,” sabi ni Marcos.

Sinabi pa niya na dahil sa mga nangyayari ay naaapektuhan ang food supply gayundin ang iba pang pangangailangan pang-agrikultura tulad ng fertilizers, animal feeds at iba pa, na maaaring magresulta aniya ng shortage at pagtaas ng presyo ng pagkain sa susunod na mga panahon.

Pinagdiinan din ni Marcos na kailangan na mapag-aralang mabuti ang mga plano at hakbang upang maayos na matugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng bansa pagdating sa mga panahon ng kagipitan.

“In the Philippines, we have been able to adjust to the situation in terms of the importations from Ukraine and Russia. But these emergency measures that we have taken will not be sufficient in the long run. That’s why we have to plan in a more thorough fashion than just responding,” sabi niya.

“I have asked the DTI, NEDA, and, of course, the DOF and DBM. I have asked them all to start to make forecasts, economic forecasts on what we would have to face for the rest of this year so that we can prepare,” dagdag pa ni Marcos.

Ipinaliwanag ni Marcos na bukod sa pagbibigay prayoridad sa agrikultura, pabibilisin din aniya ng kanyang administrasyon ang pag-unlad ng sektor na lubos na kailangan para malutas ang kakulangan sa pagkain.

“We are going back to basics and we will rebuild the value-chain of agriculture. And that is why I think it’s important that the President take that portfolio so that, not only will we make it clear to everyone, what a high priority we put on the agricultural sector, but also as a practical matter so that things will move quickly because the events of the global economy are moving very quickly, ” sabi niya.

“We have to be agile. We have to be able to respond properly in a very measured way as soon as there is a situation that needs to be addressed,” dagdag pa niya.

Matatandaang isa sa pangako niya noong kampanya ay ang pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa lalo na’t pinakita ng Covid19 pandemic ang problema ng bansa pagdating sa supply ng pagkain.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -