27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

QCPD tiniyak na poprotektahan ang karapatan ng urban poor

- Advertisement -
- Advertisement -

CAMP KARINGAL, Lungsod Quezon — Nag-courtesy call ang mga kinatawan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) kay Quezon City Police District Chief Brigadier General Nicolas Torre III bilang bahagi ng commitment nito na makipag-ugnayan sa lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa pagtupad ng mandato nitong paglilingkod at pagbibigay proteksyon sa interes ng mga maralitang tagalungsod.

Isinagawa ang courtesy call ng tanggapan ng commissioner for the National Capital Region (NCR) ng PCUP kung saan dumulog ang isang grupo ng 25 maralitang pamilya mula sa Old Balara upang humingi ng tulong ukol sa nararanasang harassment ng mga armadong tauhan ng sinasabing may-ari ng lupain ng kanilang tinitirhan.

Ayon sa mga residenteng humihingi ng tulong, pinapatrolyahan nang kanilang komunidad ng mga security personnel na armado ng matataas na kalibre ng baril at kamakailan lang ay may mga pagkakataong tinatakot sila ng mga ito.

Bilang tugon, nangako ang QCPD na handa ang pulisya na rumesponde at saklolohan sila sa mga kaso ng pang-aabuso at paglabag ng kanilang mga karapatan, kabilang na ang panghihimasok sa kanilang mga tahanan o pag-abuso ng kanilang mga legal na karapatan nang walang due process.

Tiniyak ni Torre sa mga residente at PCUP na sisiguraduhin niya na ang mga karapatang pantao ng mga urban poor sa kanyang nasasakupan ay hindi malalabag tulad ng nakasaad sa batas, partikular na sa ilalim ng Urban Development and Housing Act (UDHA).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -