26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Gatchalian: Gastusan ang learning recovery upang maiwasan ang dagok sa ekonomiya

- Advertisement -
- Advertisement -

Muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatupad ng programa para sa learning recovery upang mapigilan ang matinding pinsalang dulot ng pandemya ng COVID-19, kabilang ang productivity losses na katumbas ng trilyon-trilyong piso dahil sa kawalan ng face-to-face classes.

Sa isang pagdinig sa Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, binigyang diin ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education ang dagok sa ekonomiya na dulot ng pagsasara ng mga paaralan. Ang ARAL Program ang panukala ni Gatchalian upang makahabol ang mga mag-aaral sa kabila ng learning loss na kanilang nararanasan. Magiging bahagi ng naturang panukala ang mga sistematikong tutorial sessions at remediation para sa mga mag-aaral.

Tinataya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang kawalan ng face-to-face classes para sa isang taon ay magdudulot ng productivity loss na katumbas ng halos labing-isang (10.8) trilyong piso sa susunod na apatnapung (40) taon. Upang maipatupad ang ARAL Program, nagpapanukala si Gatchalian ng halagang dalawampung (20) bilyong piso, wala pang isang (0.18) porsyento ng pinangangambahang productivity loss.

“Ang P20 billion ay 0.18% lamang ng maaaring maging productivity loss sa susunod na 40 taon. Upang maiwasan natin ang ganitong kalaking kawalan, masasabing hindi ganun kalaki ang P20 billion upang maipatupad ang programa sa academic recovery. Samantalang kung wala tayong gagawin ay mawawalan tayo ng P10 trillion,” ani Gatchalian.

“Kung hindi tayo magpapatupad ng programa para sa academic recovery, makikita natin ang mas mababang marka para sa ating mga mag-aaral lalo na’t nahihirapan na sila bago pa tumama ang pandemya,” dagdag pa ng senador.

Target ng panukalang ARAL Program ang mga mag-aaral na hindi nag-enroll para sa School Year 2020-2021, ang mga nahihirapan sa kanilang pag-aaral, at iyong mga naka-abot at bahagyang nakaka-angat sa minimum level ng mastery sa Language, Mathematics, at Science. Tututukan ng programa ang most essential learning competencies sa Language at Mathematics para sa Grade 1 hanggang Grade 10, samantalang tututukan din ang Science para sa Grade 3 hanggang Grade 10. Para sa mga mag-aaral sa Kindergarten, tututukan ang kanilang mga kakayahan para sa literacy at numeracy.

Tinataya ng World Bank na ang learning poverty sa Pilipinas ay umabot na sa mahigit siyamnapung (90.9) porysento buhat nitong Hunyo 2022. Ang learning poverty ang porsyento ng mga batang may edad na sampu na hindi makabasa o makaunawan ng simpleng kwento.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -