32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

DOT muling pinarangalan ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2022

- Advertisement -
- Advertisement -

Ang Kagawaran ng Turismo (DOT), sa pamumuno ni Kalihim Christina Garcia Frasco, ay taos pusong nagpapasalamat sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa muling paggawad nito sa institusyon ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko Antas II.

Ang KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay timpalak at parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na sumusunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 335 o EO No. 335, maging ang mga nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyong publiko. Ngayong taon, binigyang tuon ng timpalak ang paggamit ng Filipino sa social media platforms ng mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan (LGU) sa kasagsagan ng pandemya.

Ang Kagawaran ng Turismo ay lubos na sumusuporta at nakikiisa sa layunin ng KWF na palawigin

at pagtibayin ang paggamit ng wikang Filipino sa paglilingkod sa bayan.

Kabilang sa mga pamantayan ng paggawad ng Antas II ay kung ang ahensiya at LGU ay naisakatuparan ang mga nakasaad sa unang antas (nakapagdaos na ng Seminar sa Korespondensiya Opisyal (SKO) ng KWF; may nabuong Lupon sa Wikang Filipino (LWF); nása Filipino ang ulo ng liham/sulat o letterhea

d; naisalin sa Filipino o nása Filipino ang misyon at bisyon ng inyong institusyon; nása Filipino ang ilang proseso at karatula na gagabay sa mga kliyente, online man o limbag; may mga pormularyo para sa mga kliyente na nakasulat sa Filipino; may mga korespondensiya, katulad ng liham, memorandum, at iba pa na nása Filipino; ginagamit ang Filipino sa mga social media account ng institusyon; nása Filipino ang mga pabatid, poster, brochure, at mga katulad na materyales, online man o limbag); pinalawig ang pagsasagawa ng SKO sa kanilang ahensiya; ginagamit ang ulo ng liham/sulat o letterhead sa kanilang tanggapan; nakapaskil ang Filipinong Misyon at Bisyon sa lahat ng mandatory post, at may nabuong planong aksiyon.

Ginanap noong 31 Agosto 2022 sa Diamond Hotel, Maynila, ang ilan pang ahensya na nakatanggap ng nasabing parangal ay ang Tanggapang Pampanguluhan sa Operasyong Pangkomunikasyon (PCOO), Kagawaran ng Paggawa at Empleo-Kawanihan ng mga Manggagawang may Tanging Pangangailangan (DOLE-BWSC), Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR), Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), at ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD).

Matatandaan na ginawaran ng KWF ang DOT ng parehong parangal sa ikalawang antas mula 2021 hanggang 2022.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -