26.6 C
Manila
Linggo, Oktubre 6, 2024

PCUP magtatanghal ng kauna-unahang LGU Forum sa Oktubre 25

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD QUEZON, Kalakhang Maynila — Sa pagnanais na mapalakas ang pakikipag tambalan sa mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) at Luzon, nakatakdang isagawa ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang kauna-unahang LGU Forum sa Oktubre 25, 2022 upang mailahad ang mga proyekto ng ahensya para sa taong 2023 at gayun din ang mga programa sa nalalapit nitong Urban Poor Solidarity Week (UPSW) sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

Ayon kay PCUP chairperson at chief-executive-officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr., pagtutuunan ng pansin sa nasabing forum ang pagpapalawig ng mga oportunidad ng mga maralitang tagalungsod para sa pakikipag tambalan sa mga LGU sa NCR at Luzon na may layuning mapaigting ang kamalayan sa mga programa at serbisyong pinagkakaloob ng PCUP na makakatulong sa pagpapaganda ng pamumuhay ng mga maralitang komunidad sa bansa.

“Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasagawa kami ng ganitong aktibidad at umaasa kami ng positibong pagtugon mula sa ating mga LGU dahil may mahalaga silang bahagi sa poverty alleviation program ng ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” pinunto ni Usec. Jordan.

Idinagdag niya na malaki din ang maitutulong ng forum sa pagtupad ng PCUP sa mandato nitong magsilbi bilang direct link sa pagitan ng pamahalaan at maralitang tagalungsod sa pagbalangkas ng polisiya at pagpapatupad ng programa.

“Alinsunod sa Executive Order No. 82, naatasan kaming maglingkod bilang tagapag-ugnay ng maralitang tagalungsod sa ating pamahalaan at bilang bahagi ng mga probisyon sa ilalim ng EO, tungkulin naming makabuo ng consultative mechanism na magbibigay ng continuing dialogue ukol sa wastong pagpaplano at evaluation ng ating mga pro-poor na programa,” kanyang paglilinaw.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -