25.7 C
Manila
Martes, Enero 14, 2025

Gatchalian nanawagan ng sapat na suplay ng kuryente sa gitna ng TRO ng CA laban sa ERC decision

- Advertisement -
- Advertisement -

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC), Meralco, at San Miguel Corp. (SMC) na tiyakin ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng temporary restraining order na inilabas ng Court of Appeals (CA) laban sa pinakahuling desisyon ng ERC na tumatanggi sa joint petition ng Meralco at parehong kumpanya ng San Miguel na South Premiere Power Corp. (SPPC) at San Miguel Energy Corp. (SMEC) para sa pansamantalang kaluwagan mula sa mataas na presyo ng langis.

“Habang wala pang pinal na resolusyon ng kaso, dapat tiyakin ng DOE, ERC, Meralco, at SMC na mapanatili ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente para sa ating mga konsyumer,” giit ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, mahigpit niyang babantayan ang pagresolba ng kaso dahil ito ang tutukoy kung ang fixed price contracts ng power supply agreements (PSA) ay maaaring baguhin o hindi.

“Ang kasong ito ay maaaring gawing basehan ng iba pang power-generating companies at distribution utilities na basta na lang babaguhin ang mga kontrata ng power supply na may mga nakapirming presyo. Umaasa tayo na ang interes ng mga konsumers ang mananaig,” aniya.

Ang desisyon ng ERC ay nagmula sa isang kontratang pinasok noong 2019 ng electricity arm ng SMC na SMC Global Power Holdings Corporation at mga subsidiary nito para sa dalawang fixed-price na kasunduan para mag-suplay ng enerhiya sa mga konsyumer ng Meralco kabilang ang Sual coal-fired power plant nito sa Pangasinan at Ilijan natural gas plant sa Batangas.

Noong panahong nagpirmahan sila ng kontrata, ang presyo ng coal ay pumapalo sa $65 kada metrikong tonelada na tumaas na sa mahigit $400 kada metrikong tonelada.

Ang pagnipis ng suplay mula sa Malampaya natural gas field ay nagresulta sa pagbili ng kuryente ng San Miguel mula sa spot market.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -