26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Gatchalian: serbisyong pang-kalusugan ilalapit ng mga regional specialty centers

- Advertisement -
- Advertisement -

Pinapurihan ni Senador Win Gatchalian ang pagpasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng “Regional Specialty Centers Act,” bagay na aniya ay maglalapit ng abot-kaya at dekalidad na specialized healthcare services sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2212, magpapatayo ng specialty centers sa mga Department of Health (DOH) hospitals kada rehiyon. Nakasaad sa panukalang batas na makikipag-ugnayan ang DOH sa mga national specialty centers tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, at Lung Center of the Philippines upang tiyakin na may expert personnel, medical specialists, at akmang specialist equipment ang mga specialty centers sa DOH hospitals.

“Sa pamamagitan ng pagpapatayo natin ng specialty centers sa mga DOH hospitals sa lahat ng rehiyon, matitiyak nating abot-kamay ng ating mga kababayan ang specialized healthcare services. Ilalapit natin sa ating mga kababayan sa iba’t ibang rehiyon ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan na akma sa partikular na pangangailangan ng kanilang komunidad,” ani Gatchalian.

Nakasaad din sa panukalang batas ang criteria sa pagpapatayo ng specialty centers, kabilang ang datos sa pangangailangan at demands sa catchment population ng mga DOH hospital. Susuriin din ang service capability, lokasyon, pagkakaroon ng sapat na human resources, at operational at financial performance ng ospital.

Magsisilbi namang information hub ng kanilang mga specialization ang national specialty centers. Upang matiyak ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo at mapatatag ang network of care para sa isang specialty, makikipag-ugnayan ang mga centers na ito sa DOH upang magsagawa ng speciality training at technical assistance sa mga specialty centers sa DOH hospitals.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -