26.5 C
Manila
Lunes, Hulyo 7, 2025

FB page ng Komisyon sa Wikang Filipino, biktima ng hackers

- Advertisement -
- Advertisement -

NABIKTIMA ng cyberattack ang social media page ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng hindi pa nakikilalang mga hacker.

 Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Marites Barrios-Taran, director-general ng komisyon, na ang opisyal na Facebook account ng komisyon ay naging biktima ng cyber/network attack, partikular ang malware na sinususpetsang nakapasok sa sistema.

May mga hindi karapat-dapat na larawan ay nai-post sa pahina ng KWF na nakaaalarma sa mga gumagamit ng social media na naka-subscribe sa kanilang pahina.

 “Ang opisyal na Facebook account ng Komisyon sa Wikang Filipino ay naging biktima ng cyber/network attack, partikular ang malware na sinususpetsang nakapasok sa sistema at may intensiyong dungisan ang pangalan ng KWF sa pamamagitan ng pagpaskil ng larawan na hindi nararapat na tagpuan sa page at hindi kaugnay sa opisyal na gawain ng aming tanggapan,” ayon kay Taran.

 Ayon sa pahayag ng KWF, humingi na rin sila ng tulong sa National Bureau of Investigation Cybercrime Division, gayundin sa Department of Information and Communications Technology para mabatid kung sino ang nasa likod ng pag-hack ng Facebook page.


 Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay itinatag noong ika-14 ng Agosto 1991 bilang kapalit ng binuwag na Linangan ng mga Wika Sa Pilipinas. Ang pagpapalit ay alinsunod sa Seksyon 4 ng Batas Republika Blg. 7104.

 Ang komisyon ay may tungkulin na magbalangkas ng mga  patakaran, plano at programa upang matiyak ang higit at patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -