29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Kasabay ng pagsigla ng turismo sa Ilocos, DoLE nagbuo ng tripartite council para sa hotel at restaurant

- Advertisement -
- Advertisement -

NANANATILI ang turismo bilang pangunahing tagasulong ng ekonomiya sa Region 1, at nakikita rin na ang industriyang ito ay patuloy na lumilikha ng mas maraming trabaho hindi lamang para sa mga Ilokano at Pangasinense, kundi pati na rin sa iba pang mga manggagawa sa turismo mula sa labas ng rehiyon.

At ang muling pagsigla ng turismo ay nangangahulugan na kailangang palakasin rin ang relasyon ng mga employer at manggagawa sa industriyang ito, kaya naman nagsusumikap ang Department of Labor and Employment Regional Office 1 (DoLE RO1) na isulong ang kapayapaang pang-industriya sa pamamagitan ng pagbuo ng region-wide industry tripartite council (RITC) para sa mga hotel at restaurant sa Ilocos Region.

Ang 60 management at mga kinatawan ng mga manggagawa na tinipon sa J&V Hotel, City of San Fernando, La Union, noong Hunyo 26, 2023 LARAWAN MULA SA DOLE

Tinipon ng DoLE RO1 ang 60 management at labor representative noong Hunyo 22, 2023, sa J&V Hotel, City of San Fernando, La Union. Ang nasabing mga kinatawan ay mga opisyal ng ITC sa kani-kanilang mga lalawigan o lugar, tulad ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Eastern Pangasinan, Central Pangasinan, at Western Pangasinan.

Sinabi ni DoLE Regional Director Exequiel Ronie Guzman na hindi natitinag ang DoLE sa pangako nito na magbigay ng mga plataporma kung saan ang manggagawa at namumuhunan ay maayos na matatalakay ang mga isyu at usapin ng kanilang industriya, at aktibong makibahagi sa pagbabalangkas ng patakaran, mga konsultasyon at panlipunang diyalogo, at ang pangkalahatang pagtataguyod ng kapayapaang industriyal.

“Tunay na katangi-tangi ang mga tauhan ng industriya ng turismo dahil dala nila ang tatak ng serbisyong Pilipino — na kumakatawan sa pinakadiwa ng karanasan ng isang turista, dayuhan man o lokal,” wika ni RD Guzman.

Inihalal ng Hotel and Restaurant RITC ang kanilang hanay ng mga opisyal, kung saan nakaupo si RD Guzman bilang ex-officio chairman.

Nahalal bilang mga co-chair sina Shyr Ampaguey ng Paradiso Beach Resort at La Union Hotels, Resorts, and Restaurants Association (LUHRRA) para sa sektor ng namumuhunan; at Edgar Guiling ng Lisland Hotel para sa sektor ng manggagawa.

Nahalal bilang mga kinatawan ng namumuhunan sina: Xavier Mercado ng Halo-Halo De Iloko; Renato Abreu ng Calasiao Hotel; Marylou Jimenez ng Hotel Monterio and Hundred Islands Hotels, Transients & Restaurants Operators Association; Sally Joy Bagay ng Ban-aw Resort; at Luzviminda Padayao ng JLP Resort.

Nahalal bilang kinatawan ng manggagawa sina Eric Gines ng Monarch Hotel; Rosemarie  Pol ng El Pescador Resort; Princess De Guzman ng Coffee Library; Corazon Alcalde ng Marsha’s Delicacy; at Engr. Jeffrey Bacani ng JLP Resort. (DOLE RO1/gmea)

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -