26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Gatchalian sa ERC: Huwag payagang ipasa sa konsyumer ang NGCP franchise tax

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag nang payagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipasa sa mga konsyumer ng kuryente ang 3% na franchise tax na dapat bayaran mismo ng NGCP sa gobyerno.

Hinimok ni Senator Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na itigil ang pagpayag sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipasa sa mga consumer ng kuryente ang 3% na buwis sa prangkisa na dapat nitong bayaran sa gobyerno. LARAWAN NI MARK CAYABYAB/OS WIN GATCHALIAN

“Dapat itigil na ng ERC ang pagpasa ng bayarin sa publiko. Hindi nila dapat binabayaran ang anumang bayarin ng NGCP sa gobyerno. Kailangang itigil na ang kasanayang ito sa lalong madaling panahon,” ani Gatchalian, na kasalukuyang nagsisilbing vice chairman ng Senate Committee on Energy.

 

Sinabi niya na ang isang ordinaryong household na kumukunsumo ng 200 kWh kada buwan sa Meralco franchise area ay maaaring makatipid ng tinatayang P37.32 kada taon kung hindi pinahintulutan ng ERC ang NGCP na ipasa ang franchise tax nito sa mga konsyumer. 

 

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy, kinumpirma ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta na pinapayagan ang NGCP na ipasa sa mga konsyumer ang franchise tax na 3% ng lahat ng gross receipts na nagmula sa mismong operasyon nito bilang kapalit ng income tax at iba pang buwis dahil sa isang ERC resolution. Ito ay ang ERC Resolution No. 7 Series of 2011.

 

Ngunit ayon sa mambabatas, ang desisyon ng Korte Suprema noong 2002 ay nagbigay-diin na ang income tax, na hindi isang operating expense, ay hindi dapat maipasa sa konsyumer. Sa kaso ng NGCP, ang franchise tax ay hindi isang operating expense. Bukod dito, ang franchise tax, ayon sa NGCP franchise, ay kapalit ng income tax.  At dahil dito ay hindi dapat payagang ipasa ng NGCP ang franchise tax nito sa mga mamimili.

 

“Kaya, dapat bawiin ng ERC ang resolusyon nito noong 2011 kung saan nakasaad na ang 3% franchise tax ay bahagi ng kabuuang monthly transmission cost. Bilang regulating body lamang, hindi maaaring palitan ng ERC ang desisyon ng SC,” aniya. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -