30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Oras ng biyahe, mababawasan dahil sa infra projects

- Advertisement -
- Advertisement -

SA ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., inisa-isa nito ang mga nagawa at gagawin pa ng kanyang administrasyon.

At isa sa proyektong gagawin ng pamahalaan ay ang 1,200-kilometrong Luzon Spine Expressway Network Program upang epektibong kumonekta at makabuluhang bawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga rehiyon ng Ilocos at Bicol.

Aerial view ng lay-by sa SCTEX, isang pangunahing expressway sa Central Luzon na nagko-connect sa Subic at Clark.

Ayon sa Pangulo, magiging siyam na oras na lamang ang biyahe mula Ilocos hanggang Bicol gamit ang itatayong spine expressway.

Ang lohika sa infrastructure development ng pamahalaan ay mahusay na ekonomiya na magbubukas ng daan upang mapakilos ang mga produkto at serbisyo sa mas murang halaga at sa mas kaunting oras, na may layuning isulong ang ekonomiya.

Iniulat ng Pangulo na nitong Hunyo, mahigit sa 4,000 kilometrong kalsada at humigit-kumulang 500 tulay sa buong bansa ang itinayo, inayos at in-upgrade ng pamahalaan.


“Sa ilalim ng Mega-Bridge Program, 12 tulay na may kabuuang 90 kilometro ang gagawin, na magdudugtong sa mga isla at mga lugar na pinaghihiwalay ng tubig,” anang Pangulo. (“Under the Mega-Bridge Program, 12 bridges totaling 90 kilometers will be constructed, connecting islands and areas separated by waters.”)

Kasama sa programa ang Bataan-Cavite Interlink Bridge at Panay-Guimaras-Negros Island Bridges, bawat isa ay sumasaklaw ng 32 kilometro, at ang Samal Island-Davao City Connector Bridge.

Ayon pa sa Pangulo, sinimulan din ng administrasyon ang ilang mga proyekto sa riles, na may kabuuang haba na higit sa 1,000 kilometro kabilang ang southern leg ng North-South Commuter Railway System. Ito ay magpapaikli sa biyahe mula Pampanga hanggang Laguna mula apat na oras hanggang dalawng oras na lamang.

Pangunahing ikokonsidera ng pamahalaan ang inter-modal connectivity kung saan magkakaugnay ang mga kalsada, tulay at mass transport system. Ito ang magbibigay-daan para

- Advertisement -

“This network will provide access and passage to vital and bustling economic markets, such as agriculture hubs, tourism sites, and key business districts,” dagdag ng Pangulo.

Sa pagpasa ng batas ng Maharlika Investment Fund, ang mga high-priority project ng bansa ay maaari na ngayong gamitin ang bagong tatag na pondo para sa strategic financing nang walang karagdagang pasanin sa utang, sinabi pa niya.

Binanggit din ng Pangulo ang 123 bagong proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Build-Better-More program.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -