27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Gatchalian: Pag-renew ng partisipasyon ng PH sa GSP Plus ng EU magpapalakas ng exports, pamumuhunan

- Advertisement -
- Advertisement -

MALUGOD na tinanggap ni Senador Win Gatchalian ang panukalang pag-renew ng partisipasyon ng Pilipinas sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) at sinabing ito ay inaasahang magpapalakas ng exports ng bansa at magpapataas ng pamumuhunan.

Malugod na tinanggap ni Senator Win Gatchalian ang panukalang pag-renew ng partisipasyon ng Pilipinas sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+), at sinabing ang naturang kaganapan ay inaasahang magpapalakas ng competitiveness ng mga exports ng bansa at magpapataas ng mga prospect ng pamumuhunan. Larawan ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

 

“Ako ay nagagalak na malaman na ang European Commission ay iminungkahi na i-renew ang pakikilahok ng bansa sa GSP+ scheme dahil ito ay tiyak na magbibigay ng mas malawak na merkado para sa ating exports at magbibigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa marami nating mga kababayan,” sabi ni Gatchalian. Siya ay naging bahagi ng Philippine Congressional Delegation na bumisita sa European Parliament noong Oktubre ng nakaraang taon upang talakayin sa kanilang counterparts ang estado ng bansa sa GSP+, bukod sa iba pang mga bagay. Pinasalamatan niya si Senador Sonny Angara na siyang namuno ng delegasyon.

 

“Ako ay umaasa na ang mga miyembro ng EU Parliament ay mapapahalagahan ang mga napag-usapan namin tungo sa pagbuo ng mas matatag na pakikipagkalakalan sa EU. Ang pagkakaloob ng EU GSP+ ay nagbibigay ng mga pribilehiyo sa Pilipinas,” aniya.

 

Gaya ng iminungkahi ng EC, ang paglahok ng bansa sa GSP+ scheme ay inaasahang mangyayari sa loob ng apat na taon  hanggang Disyembre 2027 sa sandaling mag-expire ito sa katapusan ng taong ito.

 

Ang GSP+ ay isang insentibo para sa mga tinaguriang low and lower-middle income countries. Ito ay isang unilateral trade arrangement na nag-aalok ng zero tariff sa 6,274 na produkto o 66% ng lahat ng EU tariff lines. Ang Pilipinas ay unang lumahok dito noong 2014. Mula sa kita ng exports na EUR 5.7 bilyon noong 2014, lumaki ito sa EUR 7.7 bilyon noong 2021.  

 

Ang kita ng bansa mula sa exports sa 27 European Union na bansa (EU27) ay tumaas sa $8.6 bilyon noong 2021 mula $6.4 bilyon noong 2020. Ito ay nauugnay sa mga produktong tulad ng crude coconut oil. skipjack tuna, semiconductor device, at digital monolithic integrated circuits.

 

Nagpahayag pa ng kumpiyansa si Gatchalian na ang pag-renew ng partisipasyon ng Pilipinas sa GSP+ scheme ay higit na magpapaunlad sa relasyon ng pamumuhunan ng bansa sa mga miyembrong ekonomiya ng EU. Noong 2021, ang EU27 ang pang limang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas, pang anim na pinakamalaking export market, at pang anim na import source.

 

Ang exports sa EU ay isang malaking investment source ng bansa. May ambag itong nasa $2 bilyon mula 2017 hanggang sa unang anim na buwan ng 2022. Kabilang sa mga itinuturing na contributors ng Pilipinas ay ang mga bansang The Netherlands na may kontribusyon na $1.6 bilyon, na sinusundan ng France na may kontribusyong $130 milyon, at Germany na may ambag na $130 milyon. Basahin ang kaugnay na istorya sa kolum ni Gil Beltran

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -