26.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

DoT nagtala ng mas maraming papasok na flight sa PH, pagtaas ng mga domestic air route

- Advertisement -
- Advertisement -

INILAHAD ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco noong Agosto 2 ang pag-unlad sa koneksyong panghimpapawid na makakabuti sa turismo ng Pilipinas alinsunod sa pagsusumikap ng administrasyong Marcos na mapaunlad ang industriya ng turismo sa bansa.

Tourism Secretary Christina Garcia Frasco

Maaalala na sa mga paglalakbay ni Kalihim Frasco noong nakaraang taon inalam niya ang mga pinakamahalagang pangangailangan sa industriya, kabilang sa nabanggit ng mga stakeholder ay ang koneksyon at mas pinagandang gateway o pasukan sa bansa.

Mula noon, nakiisa na ang DoT sa Department of Transportation (DoTr), at nakipagtulungan sa Civil Aeronautics Board (CAB), sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at iba pang mga aviation stakeholder upang matukoy ang mga hakbang sa pagsusulong ng maginhawang pagbibiyahe, kasama dito ang pagsasaayos ng mga pasukan, pagpapaganda ng imprastraktura, at pagpapalawig ng aviation hub ng bansa, atbp.

Pinangunahan din ng DoT ang mga inisyatiba sa Routes Development, una na dito ang pakikipagpulong sa mga matataas na lider ng sa ibang bansa at sa lokal na panghimpapawid nang maitaguyod ang Pilipinas bilang isang destinasyon para sa mga naturang paliparan at makipagsosyo na rin sa ikauunlad ng industriya ng turismo sa bansa.

Gayundin, itinutulak din ng ahensya ang mga panturismong destinasyon sa bansa at pasukan sa mahahalagang international aviation networking, at mga business-to-business (B2B) na aktibidad gaya ng Routes Asia at Routes World, bukod sa iba pa.

“In keeping with our National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028, we have been working with relevant government agencies such as the DoTr and CAAP, and aviation industry stakeholders, recognizing the urgent need to increase the number of flights into the country and increase overall accessibility for both our foreign and domestic guests, to convey that the Philippine government under President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. is exhausting all means to open up the country to business and tourism,” (“Alinsunod sa ating National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028, nakikipagtulungan tayo sa mga kaugnay na ahensya ng gobyerno tulad ng DoTr at CAAP, at mga stakeholder ng industriya ng aviation, na kinikilala ang kagyat na pangangailangan na dagdagan ang bilang ng mga flight sa bansa at dagdagan ang pangkalahatang accessibility para sa ating mga dayuhan at lokal na bisita, upang maiparating na ang gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay ginagawa ang lahat ng paraan upang buksan ang bansa sa negosyo at turismo,” paliwanag ni Frasco.

Karagdagang International Air Seats  

Batay sa Routes Development na ulat ng DoT noong Hunyo 2023, walo sa international gateways o pasukan sa bansa ang nagpakita ng makabuluhang paglago sa bilang ng pagpasok at seats o puwesto sa eroplano kada linggo.

Halimbawa, karaniwan sa isang linggo, kumpara noong Hunyo 2022, ang Clark ngayong Hunyo 2023 ay nakitaan ng pagtaas ng 180% sa bilang ng beses ng pagpasok at 215% naman sa bawat upuan, habang sa Maynila ay mayroon ding pagtaas ng 75% sa bilang ng papasok na biyahe at 120% naman sa bawat puwesto sa eroplano.

Sa Visayas, nakapagtala sa Kalibo ng 640% pagtaas sa beses ng pagpasok at 409% sa puwesto, ang Cebu ay mayroon ding pag-angat ng 300% sa bilang ng mga pumapasok at 297% sa upuan sa eroplano, at ang Bohol ay hindi rin nagpahuli matapos magkaroon ng 200% pagtaas sa bilang ng biyahe at 128% naman sa puwesto sa eroplano.

Sa Davao ay mayroon ding pagtaas ng 50% dami ng pumapasok at 38% sa kada upuan. Samantala, sa Caticlan at Norte sa Cagayan ay nakapagtala ng anim na beses ng pagpasok mula sa Taipei at dalawa naman sa Macau.

Sa pagitan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon, lingguhang nakakapagpasok ang bansa ng 58 bagong biyahe mula sa iba’t ibang siyudad sa pandaigdigan.

Ayon sa ulat ng DoT kabilang sa madalas na pumapasok kada linggo ngayong Hunyo at Hulyo ay ang: sa Manila (7 Zip Air mula Tokyo, at 2 biyahe ng Air China flights mula Chengdu); sa Cebu (7 biyahe sa China Eastern Airlines mula Shanghai, 4 na biyahe sa Philippine Air Asia mula Tokyo,  2 Cebu Pacific mula Taipei, at pagtaas mula 5 na naging 7 biyahe ng Asiana Airlines mula sa Incheon); sa Bohol (2 Asiana Airlines at 7 biyahe sa Air Busan mula Seoul), Kalibo (3 biyahe mula Hangzhou, 3 biyahe mula Ningbo, at 3 biyahe mula Wenzhou via Loong Air, 4 na Ok Airways naman mula Chengdu, at 2 TigerAir Taiwan mula Taipei), Clark (7 Asiana Airlines biyahe mula Seoul), Caticlan (3 biyahe ng Royal Airways mula Hong Kong), at sa Norte sa Cagayan (2 biyaheng Royal Airway mula Macau). Bilang karagdagan sa mga commercial flight, tinanggap din ng DoT ang maraming charter flight na sumusuporta sa mga destinasyon ng bansa.

Pagtaas ng Domestic Air Seats

Sa lokal na turismo, nakapagtala ang DoT ng makabuluhang pagtaas sa lokal na koneksyon sa mga panturismong pasukan sa bansa. Ang industriya ay nakinabang mula sa halos 17 city pair, kung saan halos 83 beses ng pagpasok kada linggo ang nailunsad sa pagitan ng ika-1 ng Hulyo 2022 at ika-30 ng Hunyo 2023.

Kabilang dito ang bagong ruta sa lokal na panghimpapawid na naitatag  sa panahong ito, gaya ng mga biyahe mula sa Cebu-Baguio (4 na beses kada linggo), Cebu-Borongan (2 beses kada linggo), at Cebu-Naga (4 na beses kada linggo).

Ang city pair ay nangangahulugan ng pinagsamang departure (pinagmulan) at arrival (destinasyon) na airport codes sa isang flight itinerary. Ang city pair ay maaaring isang single non-stop flight, isang direct flight na may isa o dalawang stops, o isang itinerary na may connecting flights (maraming bahagi).

Kabilang sa mga lokal na biyahe na naibalik na ang: Clark patungong Bacolod, Busuanga, Cagayan de Oro, Caticlan, Davao, Iloilo, General Santos, at Puerto Princesa at vice versa; pati ang Manila patungong Tablas, at Lal-o (v.v.); maging ang Davao patungong Bacolod, Cagayan de Oro, at Siargao, at vice versa; at ang Zamboanga patungong Cotabato (v.v.).

Direktang biyahe mula San Francisco at Maynila

Gayunpaman, nagalak ang ahensya kasunod ng anunsyo ng United Airlines sa plano nitong pagdala ng mga nonstop flight na magkokonekta sa Maynila at sa San Francisco simula Oktubre bilang bahagi ng pagpapalawig nito sa Asya.

Sa kasalukuyan, bumibiyahe ang United patungong Maynila mula Guam at Palau. Kapag umandar na ang biyahe sa pagitan ng Maynila at San Francisco, ang naturang airline ang kauna-unahang kumpanyang panghimpapawid mula sa Amerika na direktang bumibiyahe patungong Maynila mula sa kalupaan ng US.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -