Nagpahayag ng pasasalamat si Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc sa Meralco matapos magpadala ang kompanya ng contingent na binubuo ng 44 na tauhan kabilang ang 32 linecrew at engineer na tumulong na mapabilis ang clearing operations at power restoration, at mga kinatawan ng One Meralco Foundation na nagsagawa naman ng relief operations para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Egay. ”Ang Ilocos Norte ay lubos na nagpapasalamat sa inyong taos-pusong pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong ‘Egay.’ Saludo po kami sa lahat ng nakipag-bayanihan upang makabangon ang mga Ilokano. Agyamankami,” ani Gov. Manotoc. Nasa larawan ang ilang miyembro ng Meralco contingent kasama si Gov. Manotoc (nasa gitna), (mula sa kaliwa) Security Officers Baltazar Antido, Jhuner Paulo Antiquiera, Head of North Distribution Services Raymond Jardiel, OMF Representative Michael Del Rosario, Head of Plaridel Sector Robert Capule, OMF Representative Ramil Ruaro, at Security Officer Alberto Mata.