BUMABA ang depisit ng National Government (NG) noong unang pitong buwan ng 2023 sa P599.5 milyon mula P761.0 milyon noong nakaraang taon, 21.2 porsyento na mas mababa kaysa noong unang pitong buwan ng 2022. Ito ay mas maganda kumpara sa programang bawasan ang deficit nang 7 porsyento sa buong taon ng 2023 para pababain ang lebel ng utang ng gobyerno na tumaas noong panahon ng pandemya.
Lumukso ang revenues ng NG nang 11.6 porsyento kumpara noong nakaraang taon, mas mataas kaysa 11.3 porsyento na paglago ng nominal GDP noong unang kalahati ng taon. Ang nominal GDP ang pinakamagandang sukatan ng tax base dahil ang koleksyon ay kinukuwenta ayon sa produksyon at sales ng mga taxpayers. Sa pangkalahatan, ang ibig sabihin nito ay mas efficient ang pangongolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC), Bureau of the Treasury (BTR) at iba pang revenue collection agencies kaysa noong nakaraang taon.
Malaki ang kontribusyon ng BIR sa magandang kinalabasan ng koleksyon. Ang kanilang koleksyon ay lumago nang 12.2 porsyento kahit na nawalan sila ng isang buwan na VAT collection dahil ginawang quarterly ng Train Law ang pagbayad ng VAT sa halip na buwanan. Nagsimula ang quarterly payment ngayong 2023. Kung idagdag ang P42 bilyon na inaasahang nawala sa monthly payment ng VAT, tumaas sana ang koleksyon ng BIR nang mas mataas na 15.4 porsyento.
Bumaba ang paglago ng koleksyon ng BOC sa 5.5 porsyento dahil sa pagbagsak ng imports ng bansa. Bumaba ang imports nang 4.0 porsyento pag ginamit ang import value in terms of Philippine pesos mula Enero hanggang Hunyo. Nakatulong nang bahagya ang 4.3 porsyento na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Tumaas nang 33.6 porsyento ang koleksyon ng other offices. Ang mga ito ay motor vehicle taxes na kinokolekta ng Land Transportation Office (LTO) at forest products taxes na kinokolekta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Mataas din ang 20.1 porsyento na paglago ng non-tax revenues. Karamihan dito ay mga koleksyon ng BTR mula sa mga government corporations, ari-arian ng NG at iba pa. Kasama rito ang fees and charges, dividends, share sa profits, interes at prinipal ng mga pautang ng NG. Kasama rin dito ang fees and charges na kinokolekta dahil sa mga services na ibinibigay ng gobyerno, mga proceeds ng privatization, mga kita ng Treasury sa mga deposits nito sa Bangko Sentral at mga bangko, at ang kita sa mga royalties mula sa national wealth gaya ng Malampaya oil field, mga minahan at iba pa.
Sa kabilang dako, tumaas lang nang 2.7 porsyento ang expenditures dahil sa pagbagsak ng allotments sa LGUs na nakabase sa mababang tax collection noong 2020 sa kasagsagan ng Covid 19. Di nakatulong ang 11.9 porsyento na pagtaas ng interest expense, ang 7.8 porsyento na paglago ng infrastructure spending at ang 6.3 porsyento na paglago ng other expenditures.
Dahil dito, bumaba ang NG debt-GDP ratio sa 61.05 porsyento mula sa 62.12 porsyento noong Hunyo ng nakaraang taon. Ito ay alinsunod sa medium-term fiscal framework sa Philippine Development Plan 2022-2028 na kung saan pabababain ang debt ratio sa 55 porsyento sa 2028.
Sa mga natitirang buwan ng 2023, pagtatangkang hahabulin ng Department of Budget and Management (DBM) ang planong 6.4 porsyento na paglago ng expenditures at maaaring ilipat nito ang mga perang di nagasta sa mga departamento at proyektong mas mabilis gumasta.
Inaasahang pag-iigihin pa ng BIR, BOC at BTR ang kanilang proseso ng pangongolekta para mahabol ang 12.7 porsyento na target increase in revenues sa buong taon ng 2023.
Table 1. FISCAL PERFORMANCE | |||
(in P Billion, unless otherwise specified) | JANUARY-JULY | 2023 vs 2022 | |
2022 | 2023 | % Growth | |
TOTAL REVENUES | 2,036.1 | 2,271.9 | 11.6% |
TAX REVENUES | 1,823.2 | 2,016.1 | 10.6% |
BIR | 1,329.9 | 1,492.3 | 12.2% |
BOC | 480.3 | 506.5 | 5.5% |
OTHER OFFICES | 12.9 | 17.3 | 33.6% |
NON-TAX REVENUES | 213.0 | 255.8 | 20.1% |
EXPENDITURES | 2,797.1 | 2,871.4 | 2.7% |
Capital outlays 1/ | 470.5 | 507.2 | 7.8% |
Allotments to LGUs | 617.7 | 538.2 | -12.9% |
Interest expense | 309.3 | 346.0 | 11.9% |
Others | 1,870.1 | 1,987.2 | 6.3% |
PRIMARY DEFICIT | (451.7) | (253.5) | -43.9% |
NG BALANCE | (761.0) | (599.5) | -21.2% |
Nominal GDP 1/ | 10,324.3 | 11,486.5 | 11.3% |
NG Debt/Nominal GDP (%) | 62.12% | 61.05% | |
Source: Bureau of the Treasury, PSA | |||
1/January to June only |