26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

DoLE napanatili ISO 9001:2015 certification 

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa pagsunod sa quality standard, tinanggap kamakailan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pagpapatunay na nagkukumpirma sa patuloy na sertipikasyon nito sa ISO 9001:2015, o ang Quality Management System (QMS).

Inisyu ng Socotec Certification International, isang akreditadong ISO certification organization, ang pagpapatunay matapos pagtibayin ang pagsunod ng Kagawaran sa mga pandaigdigang pamantayan ng ISO sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga kliyente nito.

Ipinahayag ito ni Labor Undersecretary Felipe Egargo Jr., bilang chairman ng DoLE-QMS Committee, sa isang memorandum na kanyang inilabas kasunod ng matagumpay na pagkumpleto ng kagawaran sa taunang surveillance audit noong Hunyo 14-15, 2023.

“Ang resulta ng audit, na sumasaklaw sa pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaan na may kaugnayan sa paggawa at trabaho, ay nagpapatunay sa layunin ng Kagawaran na patuloy na pahusayin ang mga proseso nito at epektibong matugunan ang pangangailangan at lampasan sa inaasahan ng kliyente ng klase ng pagtulong,” wika ni Egargo.

Sa surveillance audit na ginawa kamakailan, sinuri ang mga naka-enroll na QMS process ng ilang tanggapan ng Kagawaran, tulad ng Office of the Secretary, Offices of the Undersecretaries and Assistant Secretaries, Internal Audit Service, Administrative Service, Legal Service, Information and Publication Service, at Financial and Management Service.

Sumailalim din sa audit ang bureau at attached agency ng DoLE na binubuo ng Bureau of Local Employment, Bureau of Workers with Special Concerns, National Conciliation and Mediation Board, at National Labor Relations Commission.

Kasunod ng matagumpay na pagtatapos ng surveillance audit, naghahanda na rin ang DoLE para sa ISO recertification nito na nakatakda sa ikalawang bahagi ng 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -