29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Financial literacy, ano daw yun?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG) JUAN

- Advertisement -
- Advertisement -

UMUULAN ng malakas. Match na match sa panahon ang mainit kong kape. Nagising na rin si Juan, ang pamangking aking pinag-aral at ngayo’y isa na ring empleyado sa isang kompanya sa may Ayala.

Habang kumakain ng almusal, nagulat ako sa tanong ni Juan.

Uncle, paano bang maging financially literate?

Wow, ang bigat ng tanong sa maulang umaga. Ano daw?

Bakit mo naman naitanong yan, Juan?


Kasi sa opisina, may malubhang sakit yung Nanay ng team mate ko. Wala silang pera at nangungutang kung saan saan. Kaya may nagsabi na dapat daw financially literate kami para pagdating ng panahon, meron kaming huhugutin na pera at hindi kailangang mangutang.

Tama ang nagmungkahi nyan. Alam mo, habang bata ka pa, dapat matutunan mo na ang mga paraan kung paano magbudget ng kinikita mo, mag-save, mag-invest, magkaroon ng abilidad na mangutang, sa bangko man o sa ibang tao, at magbayad sa oras, at kung paano ka magkaroon ng kakayahan para makapagdesisyon ng tama tungkol sa pera at iba pang bagay na financial.

Yan ang financial literacy. Tanungin mo sa sarili mo kung may tatlong K ka.

May Kaalaman ka ba? Kapasidad? O Kultura?

- Advertisement -

Ang Kaalaman  ay mahalaga. Kailangan mong magbasa ng mga maraming nasusulat tungkol sa mga topics na financial, lokal man o internasyunal. Makipagusap ka sa mga professional na financial advisors. May mga nagbibigay ng mga impormasyon na makatutulong na di kailangang magbayad tulad ng mga insurance companies. Makilahok sa mga makabuluhang forum, face to face man o e-learning. Magtanong at mag-usisa.

Kailangan mo ring magpakatotoo. Ang Kapasidad na gumawa ng aksyon mula sa natutunan ay isang pagpapatunay kung ikaw ba ay talagang seryoso sa iyong mga hangarin sa buhay. Marami sa atin na hanggang basa at usap lang at walang gagawin kahit na magsimula lamang sa maliliit na hakbang. Sayang ang panahon. Time is gold.

At ang pagkakaroon ng pansariling Kultura tungkol sa pera at sa mga oportunidad na magkaroon at magpalago ng pera ay hindi madali. Kasama na dyan ang pagbibigay halaga sa mga tamang values at paniniwala na dapat sinasapuso natin para maging financially stable at secure ang ating kinabukasan. Kung wala kang kultura na masasabi tungkol sa pagsisinop, pagsusubi, at  sa pangangalaga sa matatag at masaganang pamumuhay,  may posibilidad na tatanda ka ng parang wala kang pinagkatandaan.

Nakakatayong balahibo ang mga statistics na ito tungkol sa financial literacy, Juan:

  1. Sa isang global study  ng Standard and Poor’s, nasa huling 30 mula sa 144 na bansa ang Pilipinas sa financial literacy.
  2. Sabi ng World Bank, 25 porsiyento lang ng adult Filipinos ang may kaalaman tungkol sa financial concepts.
  3. Dalawa lang sa sampung Pilipino ang nakasagot ng 100 porsiyento sa basic na tanong tungkol sa financial literacy.
  4. Pito sa sampung Pilipino ang nakasagot ng tama sa kalahati ng mga tanong.
  5. 42 porsiyento ng adult Filipinos lang ang may alam tungkol sa epekto ng pagtaas ng presyo sa kinikita.
  6. 46 porsiyento lang ng mga Pilipino ang may working budget.
  7. Marami pa rin ang na-scam katulad ng phishing, money at gift card at third party seller scams.

Pero may maganda rin namang nangyari dahil sa Covid-19 pandemic, hango sa 2021 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas:

  1. Anim sa 10 Pilipino ang nagkaroon ng pagbabago sa kanilang financial  behavior.
  2. 56 porsiyento ng adult Filipinos ang nagbabangko na mula 29 porsiyento nung 2019.
  3. 37 porsiyento ng adults ang nagsimula nang mag-save for emergencies.
  4. 17 porsiyento naman ng adults ang gumagamit na ng online or digital banking.
  5. 22 million na Pilipino ang nagbukas ng account sa mga bangko.
  6. Tumaas ng 36 porsiyento mula 25 porsiyento nung 2019 ang nag-invest na sa mga financial instruments.

Dagdag na natin dito ang balita ng insurance industry na nagkaroon ng 50 porsieynto na pagtaas ng premium income nung nakaraang anim na taon na nangangahulugang marami na ring Pilipino ang naniniwala at bumibili ng insurance para sa kanilang financial security.

- Advertisement -

Maganda di ba, Juan? Kasama ka na ba sa mga nag-save nung pandemic? O ginastos mo na sa bagong cell phone o revenge travelling?

Sige, magtulungan tayo para pag tinanong mo ulit kung financially literate ka na ba, ikaw na mismo ang makakasagot nyan.

Kailangan mong ilarawan ang pangarap mo at kung anong klase bang kinabukasan ang gusto mong maabot. Financial literacy ay susi sa tagumpay mo. Gusto mo bang mag retire ng maaga?

Uncle, bahala na si Batman.

At lumakas lalo ang ulan.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -