26.6 C
Manila
Linggo, Oktubre 6, 2024

600 benepisyaryo, tumanggap ng ayuda mula sa AICS

- Advertisement -
- Advertisement -

NASA 600 mahihirap ng bayan ng Odiongan ang nakatanggap kamakailan ng ayuda mula sa pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Francis Tolentino.

Mahigit 600 na residente ng Odiongan ang nakatangap ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development at sa opisina ni Senator Francis Tolentino. Larawan mula sa Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala

Ang nasabing AICS ay hiniling ng lokal na pamahalaan kay Tolentino upang mabigyan ng tulong ang mga residente ng na nangangailangan ng ayuda.

Pinondohan ito ng opisina ni Tolentino at idinaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapatupad ng programa.

Ayon sa tanggapan ni Vice Mayor Diven Dimaala, aabot sa P1.2 million ang inilaang pondo para sa 600 benepisyaryo kung saan nakatanggap sila kada-isa ng tig-P2,000.

Nagpasalamat naman ang mga nakatanggap ng ayuda dahil magagamit umano nila ito sa gastusin nila para sa isang linggo. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -